Advertisers

Advertisers

IN POLITICS, YOUR FRIEND TODAY COULD BE YOUR WORST ENEMY TOMORROW

0 10

Advertisers

Correct, walang kaduda-duda na ang kaibigan mo ngayon ay magiging pinaka-mahigpit mong kaaway kinabukasan kapag pinasok mo ang politika.

Hindi lang kaibigan kundi ultimo ang iyong ka-pamilya, mga kamag-anak at ibapang malapit sa buhay mo ay hindi ka nakakasigurong mananatiling tapat sayo habang panahon.

Siguradong darating kasi ang panahon na ang inyong mabuting samahan at relasyon ay malalamatan na pag-uumpisahan ng hidwaan bunga ng mga usapin at mga isyung pwedeng ipukol sayo.



Nandyan na rin ang inggit at paghahangad ng marami sa estadong iyong pinaglalagyan. Madali lang at simple lang ang istilo upang mai-sagawa ang anumang plano at nais na mangyari.

Una na dito ang bunsol at gatong ng mga taong nasa paligid ng politiko. Kasama na rin dito ang hanapan ka ng butas at mga negatibong isyu na lalabas na black propaganda.

Hindi naman pwedeng isang tao lang ang ginagatungan, kailangan dito ay vice-versa, ang taong kasalukuyang nakaupo at ang taong gusto nilang ipalit sa nakaupo.

Natural na ito na ang magiging ugat ng mga sama ng loob, pag-tatanim ng personal na galit at pride ng magkabilang panig na hindi basta pwedeng ibaba at bigay na lang ng ganon na lang.

Dito na masisira ang dating magandang relasyon at samahan. Hindi na pinag-uusapan dito ke kaibigan o’ kamag-anak ka pa. Ganyan kadumiang laro sa politika.



Wala rin namang ibang motibo ang mga taong nasa likod nito kundi ang makinabang sa nakaupo at sa taong nais nilang iluklok sa liderato para sa sarili nilang kapakanan.

Marami ng kaganapan at pangyayaring ganito ang ating nasaksihan na kung saan ang dating malalapit na mag-kaibigan ay naghi-hiwalay upang kalabanin ang isa’t-isa dahilsa politika.

Hindi lang mag-kaibigan, ang iba dito ay magkapamilya at magka-maganak na nag-sama halos ng 4 na dekada nguni’t humantong din sa paghihiwalay.

Maski ang kasaysayan natin ay magpa-patoo na maraming mag-kaibigan ang hindi nagkasundo at ang iba ay napatay pa dahil lang sa politika na ang tanging layunin ay kapangyarihan.

Balikan natin ang unang Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Hindi ba’t isa sa mga matalik niyang kaibigan si Andres Bonifacio na sina-sabing dapat na unang presidente ng bansa.

Hindi ba’t isa rin sa mga kaibigan niya si Heneral Antonio Luna na naging matapat na Heneral sa kanya sa kanyang administrasyon.

ANYARI sa dalawang ito? Totoo kaya ang isyung sadyang pina-patay daw ito ni Aguinaldo dahil sa ang dalawang ito lang ang may kakayanan na pumalit sa kanya bilang presidente, ewan din natin.

ANYARI kina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.at dati niyang Secretary of Defense Juan Ponce Enrile at dati rin niyang Vice Chief of Staff Fidel Ramos?

Hindi ba’t ang dalawang ito ang mga nangungunang mga personalidad na kasama ni Apo Lakay nang deklara niya ang Martial Law noong 1972.

Sinasabi rin na malalapit na mag kamaganak ang mga ito. Mantakin niyong higit-kumulang sa 50taon magkasama ang mga ito mula ng kanilang kabataan hanggang sa administrasyon ni Apo Lakay.

ANYARI, di ba’t bumaligtad din at pumanig sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino ang dalawang ito noong kasagsagan ng people power na kinagisnan nating EDSA REVOLUTION.

Ano ang nangyari sa kanilang pinagsamahan ni Apo through thick and thin, ito ay nawala ring lahat sa isang iglap. It ended up through sweet nothings including principles in life.

Dumako naman tayo sa mga Duterte at mga Marcos na dating magkasanggang-dikit lalo noong panahon ng una na kung saan ito ang nagpalibing sa labi ni Apo Lakay sa Libingan ng mga Bayani.

Bukod dito, hindi ba’t naging magka-partido pa sa UNITY team si PBBM at Vice-President Sara Duterte noong naka-lipas na Presidential Election.

Makalipas ang ilan taon ay tila nagsolian na ng mga kandila ang mga ito.Mukhang kumakalas na rin si VP Sara kay PBBM na may balak pang bumuo ng sarili nilang partido.

Dito naman tayo sa Lungsod ng Maynila, ano naman kaya ang nangyari kina YorMe Isko Moreno at incumvent Mayor Honey Lacuna na maglalaban sa single fight bilang mga Alkalde sa 2025.

Higit pa sa mag-kaibigan kung magturingan ang dalawang ito. Kung ating matatandaan, hindi ba’t si Isko pa ang nag-endorso kay Lacuna bilang Mayora samantalang siya naman ay tumakbo sa pagka Pangulo.

Hindi ba’t ang tatay ni Honey Lacuna na si dating Vice- Mayor Danny Lacuna ang tinu-turing na TATAY at adviser ni Isko sa larangan ng politika, ANYARI? Kung bakit of all the people ay silang dalawa pa ang magiging mag-katunggali… HE… HE… HE…

Totoo at makatotohanan nga ang kasabihang “Ang kaibigan mo ngayon ay pwedeng mahigpit mong kaaway kinabukasan kapag pinasok mo ang politika”.

Talagang ganon, hindi ba’t ang iba diyan ay wala ng dapat na hiligin pang iba dahil nasakanila na ang lahat. Bukod sa walang kakontentuhan sa buhay, kailangan manatilisakanila ang FAME, POWER and GLORY.