Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBALIK-tanaw si Jackie Lou Blanco sa kanyang pinagdaanan bago pa man siya nakapasok sa showbiz.
Aniya, malaking pressure raw sa kanya ang maging anak ng “Asia’s Queen of Songs” na si Pilita Corrales.
Naging stepping stone raw niya ang pagho-host para makapasok din siya sa pagkanta at pag-arte.
Pagbubunyag pa niya, first kiss at boyfriend daw niya si Lloyd Samartino.
First love raw naman niya ang Concert King na si Martin Nievera.
Katunayan, nagselos daw siya noon nang i-partner ito kay Pops Fernandez.
Iniyakan din daw niya na napunta ang una niyang pag-ibig kay Pops.
First heartbreak din daw niya si Martin at naging napakahirap ng kanilang relasyon noon.
Lumabas daw kasi na kontrabida siya sa tambalan nina Pops at Martin para sa kafaneyan na isa rin sa mga dahilan kaya sila naghiwalay.
Hirap din daw sila noon na itago ang kanilang relasyon lalo pa’t hindi sila puwedeng makitang magkasama na magka-date.
Gayunpaman, nananatili raw naman ang pagkakaibigan nila ni Martin na para sa kanya ay mamamahalin na niya habang buhay.
Nang maging magdyowa at ikinasal daw naman sila ni Ricky Davao, pinagbawalan daw siya ng ex na makipag-kissing scene kay Richard Gomez sa isang pelikula.
Tinanggihan daw niya ang movie pero sa huli ay muling in-offer sa kanya ang role dahil nagkaroon ng aberya sa aktres na ipinalit sa kanya.
Ngayong hiwalay na sila ni Ricky, ayaw naman daw niyang tuldukan ang kanilang pagsasama dahil hindi raw naman niya batid kung ano ang itinakda ng Diyos para sa kanila.
***
Emilienne may tiwala kay Joshua,
walang selos factor kay Julia
Ayon kasi sa ilang kibitzers, posibleng pagselosan nina Gerald Anderson at ng French athlete ang ilang piling eksena ng JoshLia sa nasabing pelikula.