Advertisers

Advertisers

‘ Killer’ ng Brgy. Ex-O sa Bulacan, timbog sa Checkpoint

0 10

Advertisers

Arestado ng mga pulis sa lungsod ng Baliwag, ang umano’y driver ng Riding in tandem na bumaril at nakapatay sa Brgy,-Ex O, Boy Ernesto Silvestre Sangoyo 54 anyos ng Brgy ,Pinagbarilan nito lamang Hunyo 22 ng Umaga.

Base sa inisyal na report ni PLt.Col.Jayson San Pedro,kinilala ang nadakip na suspek na si Orly Pamplona y Mujar 39 anyos alyas Kulot, vendor residente ng Brgy, Mataas na Parang sa bayan ng San Ildefonso.



Base sa paunang imbestigasyon nina

Pat Chrisdan Templado Legaspi at

Pat Ronnel Ray Evangelista Jimenez, ganap na alas-2:50 ng madaling araw ng Hulyo 28 ng maharang ang suspek sa bahagi ng NIA Road Brgy Bagong Nayon, dahil sa walang plaka ang kanyang Motorsiklo.

Dahil sa takot kumaripas ng takbo ang suspek at iniwan ang motorsiklo subalit agad rin syang nadakip.

Nakuha mula sa kanyang pag iingat ang isang cal. 38 nabaril isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang slingbag.



Ayon pa sa mga awtoridad base sa kuha ng cctv sakay ng kulay itim na Honda TMX  na walang plaka ang bumaril at nakapatay sa Brgy,Ex-O, ng Brgy, Pinagbarilan.

Samantala kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591, habang inihahanda na rin ang iba pang kaso laban sa suspek.(Thony D.Arcenal)