Marian buwis-buhay sa Cinemalaya film; Isko vs Honey vs Lopez vs Angping vs Imee salpukan sa pagka-mayor ng Maynila
Advertisers
Ni Jimi Escala
MUKHANG panalo ang Cinemalaya entry na “Balota” na pinagbibidahan ng Takilya Queen na Marian Rivera, huh!
Base sa ipinalabas na trailer ng nabanggit na movie ay walang dudang may laban na naman si Marian hindi lang sa box office kundi pati na rin sa acting derby, huh!
Umani agad ng magagandang reviews ang pinagbibidahang movie ng Kapuso Primetime Queen. Kaliwa’t kanan ang mga papuring tinanggap niya mula sa netizens, huh!
Sa Facebook page naman ni Marian ay na upload ang ilan sa mga eksena kung saan siya ay umakyat sa mataas na puno.
Sey ng Takilya Queen na kinabahan daw siya nang husto nung kinunan ang eksenang yun.
Ipinakita sa naturang movie kung paanong ‘buwis-buhay’ ang nagagawa ng isang guro tuwing eleksyon.
Sa kabila ng lahat ng mabibigat na eksena ay ibinahagi ng Kapuso actress na malaking tulong na ginabayan siya ni Direk Kip sa buong pelikula. “Masasabi ko siguro na naging madali para sa akin hubugin ang character ni Teacher Emmy dahil napakagaan kausap ni Direk. “Kumbaga, hinuhulma niya sa akin sino si Teacher Emmy so hindi mahirap na pasukin ang character na yun,” lahad pa rin ng magandang aktres.
Incidentally, napakaganda ni Marian sa awards night ng 40th PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa Ateneo theatre at nakatakdang ipalabas this Sunday sa A2Z channel.
***
MUKHANG mainit ang labanan sa pagiging alkalde ng siyudad ng Maynila.
Nagdeklara na si Yorme Isko Moreno na sigurado na ang pag takbo niya nilang mayor muli ng Maynila.
When in fact pinatawag na ni Yorme ang lahat ng chairman, kagawad, secretary, treasurer at maging yung XO ng bawat brgy ay kasamang ipinatawag ni Yorme at naging saksi ang mga ito sa pagdeklara ni Isko sa kanyang intensiyon na tumakbo muli bilang mayor.
Hindi rin nagtagumpay ang nakaupong kasalukuyang mayora na si Honey Lacuna na kumbinsihin si Yorme na pagbigyan muna siya para sa isa pang termino.
Kaya ayun, desidido ba rin si Mayora Honey na banggain si Isko this coming 2025 elections?
Pero sa totoo lang, bukod kina Yorme Isko at Mayora Honey Lacuna ay sigurado rin palang maging susunod na mayor ng Maynila sina Naida Angping at Alex Lopez.
But wait mukhang hahabol daw at pumuporma na rin si Senator Imee Marcos.
May mga umuudyok daw sa senadora na tapatan si Yorme Isko huh!