Advertisers

Advertisers

NCRPO, NAKAALALAY SA ‘SINGLE PARENT ACT’

0 53

Advertisers

IPINAALALA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hierarchy sa mga tauhan nito na mas bigyang prayoridad ang pagbibigay ng kaluwagan sa trabaho sa mga solo parent o single parent.

Sa Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies ng NCRPO na pinangunahan ng regional director nito na si PMGen Jose Melencio Nartatez Jr., binigyang diin sa pagpapatupad ng guidelines ang pagbibigay ng atensyon sa duty ng mga tauhan nito na solo o single parent.

Hindi lang mga pulis na solo o single parent ang makikinabang sa pagduty sa trabaho kaugnay sa batas sa iisang magulang subalit maging ang mga non-uniformed personnel ay nais ring pagaanin ang trabaho lalo na sa pagduty.



Kailangan ng solo o single parent na asikasuhin ang kanilang mga anak na magsisipasok sa paaralan ngayong simula na ng klase para sa school year 2024-2025.

Mahirap para sa solo parents ang asikasuhin ang kanilang mga anak nila dahil sa kawalan ng katuwang na mag-aasikaso. Kailangan ng mga bata ng tamang paggabay upang hindi ang mga ito maligaw ng landas. (JOJO SADIWA)