Advertisers
ARESTADO ang pitong Chinese nationals ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng credit card fraud at panunuhol.
Sa inisyal na imbestigasyon, kina-cash out ng mga suspek ang pera mula sa credit card ng mga biktima nito sa Europa sa pamamagitan ng Point of Sale device (POS), saka nito pangangakuan ang may-ari ng POS ng 20 porsyento mula sa kabuuang halaga ng ninakaw.
Dalawang suspek ang unang nahuli ng NBI bago nito nadakip ang lima pa nang mag-alok ang mga ito ng P1.5 million kapalit ng kalayaan ng mga ito.
Narekober din ng mga operatiba mula sa mga suspek ang ilang baril at isang high-grade na granada.
Nagbabala ang NBI sa mga magpapagamit sa ganitong kalakaran, sinabing agad na kakasuhan at aarestuhin ang mga ito.
Nasampahan na ng patong-patong na kaso ang mga nahuling suspek. (Jocelyn Domenden)