Advertisers

Advertisers

Kelot, pinatay sa harap ng bata

0 4

Advertisers

Nasawi ang isan lalaki nang pagbabaril sa kalye sa labas ng kaniyang bahay at sa harap ng isang bata sa Pasay City.

Sa ulat, nangyari ang nahuli-cam na krimen sa Tramo nitong Linggo ng hapon.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang salarin na naglakad patungo sa biktima at malapitang pinagbabaril sa harap ng bata sa labas lang ng kanilang bahay.



Matapos ang pamamaril, sumakay ang gunman sa nag- aabang na motorsiklo patungo sa direksyon ng Taft Avenue.

Ayon kay Police Colonel Samuel Pabonita, Acting Chief ng Pasay City Police, sinusuri na nila ang mga CCTV footage na maaaring nakuha sa mukha ng gunman para malutas ang krimen.

Tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang nakuha ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen.

Bago ang pamamaril, nakita na ang mga suspek na ilang beses nagpabalik-balik sa lugar.

Ayon sa kinakasama ng biktima, hinihinala na napagkamalan lang ang kaniyang asawa.



Noong nakaraang buwan umano, nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa lungsod at halos kapangalan ng biktima ang salarin.

Sinabi naman ni Pabonita na tinitingnan din nila ang anggulo ng ilegal na droga dahil nakulong noong 2020 ang biktima dahil sa naturang kaso at nakalaya lang noong 2023.