Advertisers
HINDI nagdalawang isip na tunguhin ang isa sa pinaka-iibig na lugar sa bansa, ang lalawigan ng Cebu. Bilang manlalakbay ‘di na mabilang sa daliri kung ilang ulit na nagbalik-balik sa lalawigang banggit na batobalani sa ganda ng lugar. Walang paghahambing sa ibang lalawigan na napuntahan ngunit ang paghanga sa lalawigan ng Cebu’y ‘di nawala mula ng unang makita. Sa pagtigil ng ilang araw sa lalawigan, naroon ang kasiyahan na muling matunguhan ang iba’t – ibang lugar na unang namalas na may katagalan na ng panahon. At sa pagtatanong ng kung anong lugar ang maaaring matunguhan sa ilang araw na pagtigil, may pangit na ilan na ‘di kasama sa unang balakin na pag-lilibot. At dahil sa matagal na ‘di naikot ang lalawigan, isinama ang mungkahing pasyalan na ‘di kasama sa balak na pasyalan. Ang makita ang bago at pagbabagong dahilan na muling balikan sa darating na pagkakataon.
Sa paglapag ng sinakyang eroplano sa paliparan ng lalawigan, hindi nag-aksaya ng oras at agad nagtungo sa tinutuluyang hotel. Inayos ang titigilan, inilapag ang mga gamit at tumuloy sa simbahan ng Sto. Nino sa Lungsod. At tunay na mapalad na inabutan ang misa at nagawang makalapit sa lugar na pinagdarausan ng misa. At sa oras ng pagbabasbas, nadama ang patak ng “holy water” na winiwisik ng pari sa mga deboto ng Sto. Nino de Cebu Shrine. Doon naramdaman ang pagtayo ng balahibo sa katawan na ramdam ang pagtangap ng Nino ng Cebu sa bisita mula sa kaMaynilaan. Bilang karagdagan na basbasan ang bagay na bitbit na ibig mapabendetahan sa pari sa nasabing simbahan. Napakasarap ng pakiramdam.
Sa ikalawang araw ng paglilibot o pagsuroy (Cebuano term), hindi maiwaksi ang saya ng muling makita ang lugar na dinalaw sa nakaraan. Natunguhan ang bayan ng Sibonga at nasilayang muli ang simbahan ng Monastery of the Holy Eucharist o Simala Church Shrine na tila palasyo ang laki at napakaganda. Tulad ng simbahan ng Sto. Nino sa Lungsod ng Cebu , nabato balani at ramdam ang pagkagiliw sa lugar. Nag-ikot ikot at nanalangin hangang sa mapagod at nagpasyang magtungo sa kabilang bayan ng Carcar upang kumain ng lechon. Malayo layo ang biyahe ngunit sulit dahil sa pagtigil sa pagkain ng ipinagmamalaking lechon ng bayan. Sa totoo lang, may pag-aatubili na kumain ng bangit na delicacy ng bayan ng Carcar. Ngunit ‘di napigilang bumili at kumain. At sa pagkatapos ng tanghalian, bumili ng ilang pasalubong na kilala ang bayan ng Carcar. At bumalik sa Lungsod ng Cebu para sa susunod na paglalakbay. Sulit ang pagod.
Sa huling bahagi ng pagsuroy napagpasyahan na libutin ang mungkahing puntahan ng dayo sa Lungsod ng Cebu. Unang tinungo ang Temple of Leah na nasa dulo ng kalunsuran. Dahil may kalayuan, maagang narating at umikot sa lugar. Pansin na may kabaguhan ang lugar subalit sinadya upang o bilang destinasyon ng mga baguhan sa lunsod. Kita sa Temple of Leah ang mga lumang mga kasangkapan, lumang banga, lumang tokador at iba pa na pag-aari ng mga Adarna ng Cebu. Walang kakaiba sa mga nakatanghal. Ang masaklap ng makaramdam ang kasama na kailangan mag palikuran, nariyan ang nakababahalang karanasan na nagpatili sa kanya at hanapin ang pamunuan ng Temple of Leah upang ireklamo ang isang lalaki na pumasok sa palikuran ng mga babae.
Hindi maitago ng kasama ang pagkadismaya na sa huling yugto ng pag-iikot ay nakaranas ng ‘di tama higit sa kaselanan ng ginagawa. Pumasok ang isang trabahanteng lalaki sa palikuran ng babae gayung batid kung sino o anong kasarian ang dapat na pumasok sa nasabing palikuran. Dahil iba sa lugar nagmadaling tinigil ang ginagawa ng makaiwas sa maaring ‘di tamang kaganapan. Ang masakit, dagling nawala ang lalaking nakasuot ng t-shirt na kapareho ng mga tauhan ng Temple of Leah. At sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng Temple of Leah, inamin ng kinatawan na kanila ang bangit na lalaki at siyang taga kumpuni at tagapanatili ng maayos na daloy ng palikuran ng Templo.
Walang pagtatalo na kailangan ang serbisyo ng lalaking tubero subalit may tamang oras o panahon upang magkumpuni ng dapat ng ‘di makasira sa operasyon pasyalan na kailangan magbayad sa pagpasok. Isang “tourist destination” ang templo. Ang pagbibigay sa mga kawani ng tamang oryentasyon sa pagtataguyod ng tamang asal sa Temple of Leah higit na kailangan upang mapanatili ang dami at dumadaming bisita sa lugar. Hindi tanggap ang palusot ng mga opisyal ng Temple of Leah ang pagpasok ng lalaking tubero sa palikuran ng babae sa oras na nagsimula na ang pagdagsa ng bisita sa lugar.
Ang pagpasok sa mga palikuran higit ng kabilang kasarian sa panahon ng may bisita’y kasama sa pagpapanatili ng kaayusan sa Temple of Leah. Subukan pagamitin si Ellen ng palikuran at papasukin ang tubero, ano ang sasabihin nito. Hindi tanggap ang palusot higit sa panahon na itinataguyod ang karapatan ng kababaihan at pagkakapantay ng mga kasarian sa mundo.
Sa naganap na paglapastangan sa kasarian ng babaeng kasama, pinaabot sa pamunuan ng Temple of Leah na bigyan pansin ang pag-aayos sa kapaligiran higit sa oras na dumating ang mga dumadalaw sa lugar. Maging palakaibigan sa kasarian, babae o lalaki ng ‘di maulit ang masaklap na karanasan. Sa kalihim ng Kagawaran ng Turismo, Espie Garcia Frasco alamin ang panuntunan ng Temple of Leah at kung ito’y ayon sa tamang batas. Alamin ang kilos ng kababayan sa Temple of Leah ng aksyunan ng tama ng ‘di masira ang industriya ng turismo sa bansa, higit ang mga lokal na nasasadlak sa masamang karanasan sa lugar na iyong kinalakihan.
Bigyan ng tamang oryentasyon hinggil sa paggalang sa kasarian sa mga lugar pasyalan sa lalawigan ng Cebu. O’ baka nais ipasara ang Temple of Leah na pilit na tinatakpan ng pamunuan ng establisimento ang kawalan galang ng mga tauhan. Sa pamahalaan panlalawigan at Lungsod ng Cebu, Gob. Gwen Garcia at Mayor Raymund Garcia, ipinaaabot ang maselan na karanasan at aksyunan ng ‘di maulit sa iba ang masamang karanasan. Ang mabangit sa pitak na ito ang sumbong na walang paalam na pagpasok sa palikuran ng babae ang lalaking kawani ng Temple of Leah, tunay na nakakairita at umaasa na kikilos ang mga bangit na opisyal sa itaas.
Karagdagan, maganda ang lalawigan at kalunsuran ng Cebu, subalit ipinaabot na marami dapat ayusin higit ang kalagayan ng mga mahihirap sa lugar na tila napabayaan sa panahon. Sa muling pagdalaw, kapansin pansin ang maraming Cebuano ang nakahiga sa kalye, mga paslit na pagala gala na nalilimos. Tangap ang kahirapan ngunit ayusin ang mga palakad ng mawala at maging masigla ang turismo sa lunsod at lalawigan. Malaki ang potensyal ng lalawigan kung turismo ang usapan, ngunit sa karanasan baka lumisan ang maraming manlalakbay dahil sa kawalan ng paggalang sa kasarian ng mga dayuhan.
O’ sadyang walang programa ang lunsod at lalawigan hinggil sa kasarian at una ang kita sa pinagagawang mga walang bagay na palamuti patungo sa Provincial Capitol. Unahin ang kaayusan sa mga tunguhan higit ang paggalang sa kasarian ng sino man. Ang usapin ng kasarian ang nagpaparami ng turismo ng bayan ‘di lang sa Cebu maging sa kabuuan ng mahal nating Pinas. Bigyan pansin sa Sugbo ang usapin ng kasarian ng ‘di maiwan sa paglago ng turismo ng lalawigan. Tama ba Hudas Baklaso.
Maraming Salamat po!!!!