Advertisers
Ni Beth Gelena
WALA nang maitatanggi pa ang celebrity couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
Namataan ang dalawa na kasama ang amang si Benjie Paras at brother nitong si Andre Paras with his girlfriend.
Nakitang kasama ni Kyline ang pamilya ni Kobe sa video na ibinahagi ng TikTok user @poppie016.16 noong Hulyo 26.
Kasama nila ang ama ni Kobe na si Benjie, kapatid na si Andre at gf nitong si Honey Escarez.
Magka-holding hands sina Kyline at Kobe habang papalabas ng establisyemento.
Kamakailan lang sa isang panayam sa basketbolista sa GMA Gala 2024 kung ano na ang status ng kanilang relasyon ng Kapuso aktres, buong diin na sabi ni Kobe na sila ay very close friends at wala pa raw siyang sinasabi sa aktres.
Sa isang clip, makikitang inaayos ni Kyline ang buhok ni Kobe, at holding hands pa ang dalawa habang papalabas ng establisyemento. Unang kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanila noong Mayo, matapos silang makitang magkasama sa ilang pagkakataon, kabilang na ang paglabas sa Taguig, pagdalo sa isang birthday party, at sa pagbubukas ng tattoo shop ni Kobe. Nagpakita rin sila sa katatapos lang na GMA Gala.
Siguro naman hindi na itatanggi ng dalawa ang kanilang relasyon dahil sa resibong ito na lumabas.
Komento nga ng netizens sa nasabing video:
“Ano mga sinasabi nilaaaaa sabi ba ni sir benjie yung mga asawa ng anak ko kasama nila yung asawa ko hindi whahahahaha na delulu na ko dito”
“Oh no he did the thumb thing”
“Jusko parang ang sarap magka boyfriend ng isang Kobe Paras”
“Omg agree. ang family kay kyline andyan ang daddy Benjie Paras”
“Super bait ng Paras family”
“Ganitong parents supportive nasa tamang biyenan ka Kylie”
“Benjie Paras ikaw na grabe support sa lovelife mga anak niya”
***
LUIS MAY KAKAIBANG STYLE SA HOSTING
BINAHAGI ni Luis Manzano ang snap ng kanyang yearbook photo sa kanyang social media.
Parehong sikat ang parents ng TV host na sina Vilma Santos at Edu Manzano sa showbiz industry.
Pero, hindi niyang ginawang stepping stone ang kasikatan ng mga magulang para magkaroon ng sariling name sa industriya.
Mas nag-concentrate siya sa hosting kesa ang umarte sa harap ng camera and he makes his own name in the field as a TV host. Isa na siyang most in-demand TV host in the industry.
May kakaiba kasing style si Luis as a TV host, his excellent hosting skills but as well as his funny side.
Maging sa mga vlog post niya sa kanyang YouTube channel entitled Luis Listens, hindi nawawala ang mga funny jokes niya na mabiling mabili sa kanyang guests at sa viewers.
Kamakailan, muling nag-spark ang tawanan ng kanyang followers dahil sa funny caption na sinulat niya sa kanyang yearbook photo. Base sa yearbook ng TV host, member siya ng kanilang school Chess Club at Basketball Team during the intramurals.
Aniya, “Life and nature are two things needed in our everyday life. Life needs nature; while nature also needs life. It is like a cycle that happens everyday, maybe we didn’t yet realize it but it happens all day and night.”
Nagbiro pa ang TV host that he can be the secretary of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) as he had deep thoughts about nature.
Aniya pa, pwede rin daw siyang kumain ng slippers before he was able to write it down.