Advertisers
Abot-tenga sa tuwa, galak o kasiyahan ang may 2,000 QCitizens sa programang “Lab for All” ni First Lady Liza Araneta – Marcos na ginanap nitong Huwebes, Agosto 1, 2024.
Nasiyahan ang mga residente, hindi dahil sa nakita nila ng personal o nakamayan ang First Lady kung hindi dahil sa “Feel Na Feel” ng mga residente ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanila ng gobyernong Marcos.
“FNF” ng 2,000 QCitizens ang “LAB” ni First Lady dahil din mga natamasa nila ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno – isa nga rito ay medikal.
Well, kung susuriin ay ganito rin ang madalas na nararamdaman ng QCitizens sa serbisyo ng QC Local Government o kay Mayor Jpy Belmonte. Laging FNF nila ang “Lab” ni Mayor Joy — yes kaya nga tinawag siya “Joy ng Bayan”.
Siyempre, sa pagpapadama ni FL sa kanyang paglilingkod sa QCitizens, kasama si Mayor Joy at iba pang gabinete ng pamahalaan – ito ay sa pagbibigay ng gamot, laboratory at iba pang serbisyo sa mga residente na nagtungo sa Risen Garden sa QC Hall Complex.
Layunin ng ‘Lab for All’ ay ilapit sa indibiduwal o kumunidad lalo na sa sinasabing laylayan ng bayan ang mga serbisyo ng pamahalaa lalo na ang pangmedikal para sa sa pagpapalakas ng sektor ng kalusugan.
Pangmedikal ang prioridad ng programa dahil ito ang siyang nakitang problema ng maraming kababayan natin kung saan ay karaniwan hindi nagagawa ng isang indibiduwal dahil sa kakapusan.
‘Ika nga ni FL Liza M, mahalagang masubaybayan ang kalusugan ng mga kababayan natin dahil sa mas mahalaga ang buhay at kalusugan kumpara sa lahat – ika nga iisa lang ang buhay habang mga mga kagamitan ay madaling mapalitan.
Sa ipinadamang pagpapahalaga at malasakit ni FL Liza sa 2,000 QCitizens, damang-dama din ito ng alkalde kung saan siya ay taos-pusong nagpasalamat kay FL Liza M.
Sa kaganapan, nagtayo rin ng kanilang booth ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa pagbibigay ng iba pang serbisyo ng pamahalaan – tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ni Secretary Benhur Abalos, Department of Social Welfare and Development (DSWD) ni Secretary Rex Gatchalian, Commission on Higher Education (CHED) ni Chairman Popoy De Vera, Department of Health (DOH) ni Secretary Ted Herbosa, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at CEO Emmanuel Ledesma, at Public Attorney’s Office (PAO) ni Chief Persida Rueda-Acosta.
Kompletong serbisyo sa isang kaganapan. Ano pa ba ang hahanapin mo. Talagang “Lab for All” nga.