Advertisers
Ni Rommel Gonzales
NADAGDAGAN na naman ang endorsements ni Marian Rivera at ito ay ang NekoCee nina Kath Melendez at fiancé nitong si Ryan Armenta.
Importante naman talaga sa katawan ng tao ang Vitamin C.
Lahad ni Marian, “Pero pinakagusto ko dito, bilang artista hindi predictable…alam mo yung parang hindi mo alam kung kailan matatapos yung trabaho mo, anong oras ka matutulog, minsan hindi ko alam kung, ako lang ba ‘to, kapag pagod na pagod na kayo galing trabaho, di ba parang mas mahirap matulog?
“May ganun ba kayong na-experience?
“Pero dahil dito sa Nekocee kapag tine-take ko siya… actually nasa road pa lang ako iniinom ko na siya, ang take ko nito is gabi, bago ako matulog.
“So, sa mga night shift diyan puwede naman siguro sa umaga ninyo inumin bago kayo matulog.
“Anong resulta kapag ininom mo siya? Siguro mas glowing ka, mas nakatulog ka, kasi pag maganda yung tulog mo maganda yung gising mo, maganda yung mood mo.
“Kapag maganda yung mood mo marami kang mahahawahan ng positibong attitude na yan, at pag positibo ka lahat maganda at positive ang mangyayari sa iyo, at yun ang mahalaga.
Paano nakakatulong ang Nekocee sa daily lifestyle niya?
“Tulad ng sinabi ko kanina, siyempre pag nag-take ka nito magiging maganda yung tulog mo at alam natin number 1 rule yan, kailangan maayos at masarap ang tulog mo.
“Kasi pag gising mo sa umaga, maganda yung gising mo, pag maganda yung gising mo maganda yung mood mo at marami kang mahahawahan at lahat magagawa mo ng positive ka.
“Kasi umpisa pa lang sa umaga pag hindi na maganda yung gising mo alam natin hanggang dulo hindi na maganda yan.
“So, umaga pa lang gawin na nating maganda ang gising natin, maganda yung mood natin, para marami tayong ma-spread na love sa mga mahal natin.
“Ang ganda ng gusto nilang mangyari na matulungan ang mga taong hirap sa pagtulog,” panimula ni Marian ukol sa Nekocee Vitamin C. “Sa vitamins na ito sa isang capsule na ito mayroon nang 15 ingredients na vitamins.”
Sinabi pa ni Marian na ma-vitamins siyang tao. “Hindi puwedeng hindi eh. Sa trabahong ito ang pundasyon mo talaga ay bitamina.”
Samantala, malaking hamon sa produksyon ng Cinemalaya movie ni Marian, ang Balota kung paano siya parurumihin at papapangitin dahil deglamorized talaga ang kailangang hitsura ng aktres sa pelikula, e alam naman nating lahat at nakikita natin kung gaano kaganda, kakinis at kaputi si Marian, di ba?.
Kaya nga kahit papangitin at dumihan si Marian ay lutang pa rin ang ganda ng aktres.
Kaya nga raw sobrang ingat kay Marian ang kanilang direktor na si direk Kip Oebanda lalo sa mga buwis-buhay na eksena na first time lang niyang ginawa.