Advertisers
Ni Beth Gelena
ANAK pala ni San Juan Mayor Francis Zamora ang nali-link kay Daniel Padilla.
Pero, pinabulaanan ito ng alkalde ng San Juan.
Nagsalita siya hinggil sa pagkaka-link ng anak na si Amanda kay Daniel.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi niyang walang katotohanan ang rumorgering sa anak niya at sa aktor.
Nagsalita ang alkalde para linisin umano ang pangalan ng anak.
Ani Mayor Zamora,
“Yes, ang aking anak nga po ay nali-link kay Daniel Padilla.”
“So bilang isang ama, gusto ko pong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo yan. Si Amanda, my daughter, and Daniel are not linked in anyway.”
Pagdiriin pa niya sa mga viral photo at video na lumabas online, “Definitely, hindi ko po anak yun.”
“To set the record straight, hindi po si Amanda at saka si Daniel Padilla, wala pong katotohanan yan.”
Pinabulaanan na rin ni Amanda ang isyung kumakalat sa kanila ni DJ na lumabas kamakailan sa Inquirer.
She also asked netizens on social media to be more kinder with their words to one another.
***
IVANA NILINIS ANG PANGALAN SA PAGKAWALA NI BUBBLES
SA BATANG QUIAPO
NILINIS ni Ivana Alawi ang espekulasyon ng netizens kung bakit siya nag-exit sa Batang Quiapo.
Nilinaw niya na hindi totoo ang tsismis na umaalis siya ng taping nang hindi pa tapos.
Wala rin umano siyang attitude problem tulad ng nababalita.
Pabiro nga niyang sabi sa kanyang YouTube channel, “Isa sa mga problema siguro ay ang aking mukha kapag hindi ako nakangiti, mukhang may attitude ako.”
Ipinaliwanag din niya na alam niya ang mataas na gastos ng produksyon kaya kahit lumagpas pa siya ng oras, wala siyang reklamo at handang magpatuloy.
Naiintindihan umano ni Coco Martin ang kanyang resignation at pinagkatiwalaan niya ito sa pagdesisyon sa kanyang character’s exit.
Nang tanungin kung paano tinanggap ni Coco ang kanyang resignation, sinabi ni Ivana na naintindihan ito ni direk Coco dahil sa kanyang karanasan bilang artista at direktor.
Ayon kay Ivana, alam ni Coco ang pakiramdam ng pagkakaroon ng maraming responsibilidad at trabaho.
Kinuwento rin niya na tinanong siya ni Tita Cory Vidanes tungkol sa kanyang death scene.
Aniya, pinagkatiwala niya ang desisyon kay Coco kung paano aalisin ang kanyang karakter sa aksyon-serye.
Ang lawak talaga ng imahinasyon ni Coco.
Imagine, ang haba ng finale ni Ivana sa naturang serye.
Talagang tinutok ni Coco ang isang linggong eksena ni Ivana kung papano siya namatay hanggang sa ilagay siya sa kabaong para paglamayan.
Marami ngang netizen ang nanghihinayang sa pagkawala ng karakter ni Bubbles (Ivana).
Tanong tuloy nila sino raw ba talaga ang magiging leading lady ni Coco?
Si Arabella (anak nina Jackielou Blanco at Ricky Davao) raw ba na apo ni Betina (Tessie Tomas) o ang pumasok na karakter ni Kim Domingo bilang si Madonna?
***
BOSSING VIC
AT PAPA P TULOY SANIB-PWERSA
SA MMFF 2024
TULUY na tuloy na ang pagsasanib-pwersa nina Bossing Vic Sotto at Papa P (Piolo Pascual) para sa kanilang MMFF Entry na The Kingdom.
Naglabas na ang APT Entertainment ng mga larawan nina Bossing at Papa P sa kanilang social media kasama ang ilang cast.
Kuha ang larawan nang mag-start ng conference ang grupo.
Tatlong production ang magkatuwang sa pagpo-produce ng MMFF 2024 entry ng dalawang malaking artista sa showbiz — MZet TV Productions, MQuest Ventures, Inc. at APT Entertainment, Inc.
Sa larawan ay may napansin ang mapanuring mata ng commenter kay Papa P, “Bat parang nag iba itsu ni Papa P?!?”
Sabi naman ng isa, “Sa edad ni Bossing sana makagawa naman sya ng makabuluhang pelikula talaga! Hindi naman porke comedian hindi na makakagawa ng quality films, yung mga ganun man lang sana sa Ang Tatay Kong Nanay ni Mang Dolphy o yung episode ni Chiquito sa Lovingly Your’s, Helen.”
Tanong naman ng isang netizen, “Why Papa P why????
“Wow ang bongga may budget script reading pa lang”
“My crush sid Lucero ang gwapo! At fresh kabog si Piolo LOL”
“Grabe si Piolo ageless!!!”
“Maganda raw story. Epic Philippine drama na ano Pilipinas kung di sinakop ng Kastila and not named as the Philippines.”
“Buti naiba naman kasama ni Bossing. Hindi yung puro taga EB.”