Advertisers
NITONG nakaraang linggo, namigay muli ng tulong si Rosmar Tan at Team Malakas sa mga mahihirap sa Tondo Manila.
Isa sa mga napili niyang tulungan ay yong itinampok ng Reporter’s Notebook sa GMA7 na mag-asawang sina Mary Ann at Edito na mayroong 15 na anak.
Bago sila nagtungo si Rosmar sa nasabing pamilya, nakipag-coordinate muna sila at ang kanyang grupo sa kapulisan ng Tondo para maging maayos ang kanilang pagpunta sa lugar.
Sa Tiktok account ni Rosmar, ibinahagi nito ang video kung saan mapapanood ang buong kaganapan sa ginawa nilang pagtulong sa nasabing pamilya. Sa caption ng video mababasa ang mga katagang “Di titigil sa pagtulong kahit maraming humuhusga.”
Sa mismong video, makikita ang pagsalubong ni Mary Ann sa Team Malakas habang karga ang kanyang bunsong anak. Sa sahig naman ng kanilang bahay makikita ang ilan pa niyang mga anak na nakaupo.
Matapos makilala ni Rosmar ang pamilya ni Mary Ann, ay agad nitong niyaya ang buong pamilya ni Mary Ann upang magmeryenda sa labas. Bago pa man sila umalis, nagbigay muna si Rosmar ng sampung libong piso bilang tulong sa nasabing pamilya.
Matapos kumain, dinala naman sila ni Rosmar at Team malakas sa isang grocery upang bumili ng mga pagkain at iba pang mga kailangan sa kanilang bahay ng halagang P30, 000.00.
Sa totoo lang kakaiba si Rosmar sa lahat ng vlogger content creator at entrepreneur dahil likas na niya ang pagiging matulungin sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.
Subaybayan natin ang kanyang mga vlog habang tumutulong sa mga nangangailangan.
Keep up the good madam Rosmar, Mabuhay ka!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com