Advertisers

Advertisers

AWOL na parak, 1 pa timbog sa shabu sa Valenzuela

0 16

Advertisers

Kulong ang dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVIl nang makuhanan ng aabot sa halos isang milyong peso halaga ng droga nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas Trudis, 25; at alyas Joan, 37, dating police officer (AWOL), kapwa residente ng Brgy. Malinta ng lungsod.

Ikinasa ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station (SS-4) ang buy bust operation kontra sa mga suspek nang matanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.



Nang tanggapin umano ni ‘Joan’ ang isang P1,000 bills na may kasamang isang P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si ‘Trudis’ 4:20 ng hapon sa loob mismo ng kanilang tinutuluyang bahay sa Matiyaga St, Sitio Pinalagad, Brgy. Malinta.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 143.6 grams ng shabu na may standard drug price value na P976,480.00, buy bust money at drug paraphernalias.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)