Advertisers
Ni Jovi Lloza
ANG hinihingi na hustisya ng baguhan artistang si Sandro Muhlach na sexual harrasment ng dalawang independent contractor ng GMA ay nakarating na sa Senado.
Bukod sa pag-iimbestiga ng GMA ay dinulog na rin ng mag-amang Muhlach sa NBI ang nasabing kaso at ngayon nga ay nasa Senado na.
\Ilang linggo ring naging usapan ang nasabing kontrobersya.
Sa kabila na binabatikos ng netizens kung bakit ipinarating pa sa Senado para sa pagdinig gayong mas maraming isyu or problema ang bansa.
Si Robin Padilla naman ang hahawak ng komite sa pagdinig.
At sa pagdinig ng nasabing usapin ay papatawag ng Senador ang lahat ng involved sa isyu. Kahit ang kinatawan ng GMA-7 ay pinatawag at papatawag na rin sa Senado para sa pagdinig.
Nakikipag-ugnayan na nga raw ang GMA sa komite ni Robin na siyang mag-iimbestiga sa kontrobersya.
Halos lahat naman ng kaanak, kaibigan at mga tagahanga ng mga Muhlach ay iisa ang sigaw– hustisya.
Ito na yata ang sinasabi ng ama ni Sandro na si Niño na “sinimulan ninyo, tatapusin ko.”
***
Gerald Santos, nag init ang ulo sa salitang move on
DAHIL nga raw sa salitang move on ay maraming nakabusal na bibig para sa hinaing.
Kahit si Gerald Santos na big winner ng Pinoy Pop Superstar ay naglabas na rin ng hinaing sa nararanasan ni Sandro Muhlach.
Relate much nga raw si Gerald sa nangyayari ngayon kay Sandro.
May nagsasabi na bakit ngayon lang nagsasalita si Gerald na dapat daw ay noon pa at dito na sinabi ang katagang move on.
Madali nga raw para sa iba na sabihin na move on pero dahil wala naman daw sila sa sitwasyon nina Gerald at Sandro.
Sinubukan daw ni Gerald na magsumbong pero tila siya pa ang nabaligtad ang sitwasyon dahil sa impluwensya nung tao na inakusahan ni Gerald.
Pag-aalala pa ng singer na wala itong boses noon at sino ba namam siya nung mga panahon na ‘yun.
Dahil sa power ay nagawa na ipa-banned si Gerald na mag guest sa lahat ng show ng GMA pag-alala pa nito.
Napakalaki nga raw ang nawala sa kanya na opportunity ng mga panahon na ‘yun.
Dama nito ang pinagdadaanan ni Sandro, panganay na anak ni Niño kaya suportado nito ang ipinaglalaban ng pamilya Muhlach.
Hiling nito na magkaroon sana raw ng proteksyon ang mga baguhang artista sa ganitong klaseng pangyayari.