Advertisers

Advertisers

“LOVE CHILD” Nina Jane Oineza At RK Bagatsing Matagumpay Na Pelikula Sa CINEMALAYA 2024; Ms. Lou Razon Masaya Sa Resulta Ng MISS PHILIPPINES USA 2024 CORONATION NIGHT

0 44

Advertisers

Ni Peter Ledesma

ISA sa pinakamatagumpay na pelikula sa Cinemalaya 2024 ay ang “LOVE CHILD” ng Regal Entertainment at Southern Lantern Studio. Simula nang ipalabas ito noong August 5 sa mga sinehan ng Ayala Malls ay bukod sa marami ang nanonood ng pelikula ay pinupuri ang husay ng mga bida ng Love Child na sina Jane Oineza at RK Bagatsing at anak nila rito na si Kali (John Tyrone Ramos) na may autism.

Yes, punung-puno ng puso ang pelikula at bato at bakal na lang ang hindi iiyak kapag napanood ang struggles nina Ayla (Jane) at Paolo (RK) na maagang bumuo ng pamilya na akala nila ay rom-com pero hindi pala biro ang magkaroon ng anak na may autism spectrum disorder na pangmayaman ang gastos sa pagpapalaki.



Pero hindi ito sinukuan nina Ayla at Pao at unconditional love ang ibinigay nila kay Kali. Base sa performance nina Jane at RK, mapapaniwala ka talagang mag-asawa sila. Although magsyota sila in real life pero iba yung ipinakita nila rito, talagang naipakita nila at naipadama sa moviegoers yung sacrifices nila bilang mga magulang kay Kali.

At yan ang goal pareho ng real sweethearts, ang mapanood ang pelikula nila ng parents at kumalat ito nang magkaroon ng awareness ang marami sa kanilang kwento. “I told myself this movie is the pay-off for all my parents sacrifices for us.

“I was emotional, but that was my goal before Pao (character sa Love Child) came out. I was lucky to do this movie with my special someone (Jane),” sabi pa ni RK.

And for Jane naman, “This (movie) is a love message to all parents out there, especially to the Monteverde family, so their voices and stories will be heard by many people.” By the way, nakakuha pala ng perfect 5 from rating 1 to 5 sa Golden Reviews ang Love Child. Ibig sabihin ay maganda ito, dekalidad at makatotohanan ang istorya.This movie is directed by Jonathan Jurilla na may anak na may autism din.

Sa edad na 2 ay na-diagnosed ang sakit nito. He is now 16 yrs old. Ang nasabing movie ay perfect tribute for Mother Lily Monteverde na payapang namalaam noong August 4.



***

SPEAKING of Mother Lily, siguradong masayang-masaya ito sa heaven kasama ang husband na si Father Remy Monteverde habang pinakikinggan ang kanyang Regal Babies, mga kaibigang politicians, press People, mga ka-Wednesday Club at kanyang pamilya sa mga papuri ng mga ito sa kanya bilang nanay, kaibigan at producer ng Regal Films.

Yes, nag-iisa lang si Mother Lily na tinitingala bilang sikat na movie producer mula noong dekada 70 na nagpasikat ng maraming artista at direktor. Makikitang well loved ng marami si Mother Lily at dagsa ang nakikiramay sa kanya gabi-gabi mula ng iburol siya sa pag-aaring

38 Valencia Events Place, Quezon City. Nakatakda itong ihatid sa kanyang huling hantungan sa Heritage Park, Taguig ngayong August 9, Sunday.

Gabi-gabing nasa burol ang ka-close ni Mother na Regal Baby niya na si Maricel Soriano. Nakiramay din sina Vilma Santos, Janice de Belen, Aga Muhlach at mga kapwa big stars at nagpadala naman ng bulaklak si Nora Aunor. Ang aming pakikiramay sa naiwang pamilya ng Reyna ng Local Movie Producers na si Mother Lily. Rest In Peace in Heaven!

THIS year ay maituturing na glamorosa, expensive at most successful ang MISS PHILIPPINES USA 2024 ng President at CEO nito na beauty and classy na si Ma’am Lou Razon na famous fashion designer din sa California, USA.

At bongga ang venue na pinagdausan ng Coronation Night last July 28 ng Miss Philippines USA, Miss Young Philippines at Mister Philippines USA sa ALEX THEATRE in Glendale, CA. At may pa-Red Carpet pa si Ma’am Lou sa lahat ng candidates hosted by Fil-Am singer na si Jules Graeser.

Nasa 14th year na ang nasabing International pageant ni Ma’am Lou. Ang Bff naman nitong si Monet Lu ang Head of the Inaugural Mister Philippines na ang itinanghal na first Mister Philippines USA 2024 ay si Zack Tolentino na artistahin talaga ang dating.

Sangkaterba rin ng mga sponsors ng Miss Philippines USA at guest celebrity judge ay si Ruffa Gutierrez. Dumating din sa event sina Cher Calvin at Donita Rose. Samantala, among 29 candidates na pawang beauty and brainy ay si Chloe Reyes ang kinoronahang MISS PHILIPPINES USA 2024 at si Portia Rossi naman ang nag-uwi ng title na “MISS YOUNG PHILIPPINES 2024.”

Congratulations to all the winners. See you on the next Miss Philippines 2025.