Advertisers
Ni Joey Austria
ISANG maningning na gabi ang idinaos na Luna Awards sa pangunguna ng Film Academy of the Philippines (FAP) nung August 3, 2024 sa IBG-KAL Theater, University of the Philippines Diliman, Quezon City. First time na isang beauty queen ang nagsilbing host ng gabi ng parangal, si Miss Earth 2008 Karla Henry.
Nakakaantig ng puso ang pag-awit ni Hazel Faith ng “Handog” na kasama sa entablado ang Star For All Seasons Vilma Santos, beteranong aktor Christopher De Leon, mga nominado, at mga nagwagi.
Ipinagkaloob naman sa dating FDCP Chair na si Liza Diño-Seguerra ang FPJ Lifetime Achievement Award. Iginawad din sa namayapang si Armando “Bing” Lao ang ‘Lamberto Avellana Memorial Award.’ Iginawad naman ang ‘Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements’ kay Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang ‘Golden Reel Award’ kay Senador Bong Revilla.
Naging presentors ang mga kinikilalang personalidad sa industriya na sina National Artist Ricky Lee, FDCP Chair Jose Javier Reyes, Boots Anson Roa, at Rez Cortez.
GomBurZa ang hinirang na ‘Best Picture at ang direktor nito na si Pepe Diokno ang nanalong Best Director. Sa pelikulang’ In His Mother’s Eyes’ ay nasungkit ni Diamond Star Maricel Soriano ang Best Actress habang si Roderick Paulate ang Best Actor at si LA Santos ang Best Supporting Actor, nakuha naman ni Ana Abad Santos ang Best Supporting Actress para sa ‘Third World Romance.’
Narito ang iba pang mga nagwagi: June Lana, Best Screenplay (About Us But Not About Us); Ericson Navarro, Best Production Design (GomBurza); Marya Ignacio, Best Editing (Third World Romance); Jessie Lasaten, Best Musical Scoring (When I Met You In Tokyo); at Albert Idioma, Janina Minglanilla, at Emilio Sparks, Best Sound Engineer (GomBurza).