Advertisers

Advertisers

P6.352-trillion 2025 national budget para sa Bayan

0 70

Advertisers

MALINAW ang direksyon ng budget sa taong 2025 at titiyakin ang patuloy na pag-angat at paglakas ng ekonomiya. Makikinabang ang lahat ng Pilipino sa pag-unlad at pagtibayin ang mabuting pamamahala para sa kaunlaran ng buong bansa.

Nagsimula na ang pagdinig ng House of Representatives sa iminungkahing pondo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso para sa susunod na taon.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez layon ng P6.352-trillion 2025 national budget na ipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa upang magbenepisyo ang mga Filipino.



Aniya, ililinya ang 2025 national budget sa spending priorities ng Marcos Jr. administration nakasunod sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Ang sabi pa ng speaker, titiyakin ng Kongreso na magiging sapat ang pondo ilalaan sa social services at para sa mga programang magpapanatili sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Susuriing mabuti ang budget proposal at i-exercise ang kanilang oversight function upang matiyak na magagastos ng tama ang salaping ilalan para sa mga ahensiya ng gobyerno.

“Ang badyet na Php 6.352 trilyon ay sumasalamin sa ating pangarap na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino,” ang sabi ng leader of the 300-plus-strong House of Representatives.

“Sa 2025 national budget na ito, inaasahan namin na ibubuhos natin ang pondo para makalikha ng mas maraming trabaho, masiguro ang de-kalidad na edukasyon para sa mga estudyante, at mapalawak ang suporta sa Universal Health Care,” sabi pa ng Speaker.



“Para sa amin dito sa House of Representatives, malakas din ang panawagan na madagdagan ang pondo para sa 4Ps ng DSWD at iba pang programang laan sa mga mahihirap nating kababayan,” dagdag pa niya.

“Dapat na bigyan din ng sapat na tulong-pinansyal ang mga Pilipinong minimum wage earners sa ilalim ng AKAP (Ayuda Para sa Kapos ang Kita) program, lalo na sa panahon ng krisis na dala ng mga digmaan sa ibang bansa,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

Nagbigay ng briefing sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Ralph Recto, Secretary Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority, at Bangkok Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. sa mga House members para sa President’s budget proposal.

***

Tapat at maaasahan

MABUTING lingkod bayan, serbisyong maaasahan.

Ito ang nakatatak sa mga opisyales ng Barangay Sampaloc sa Talisay, Batangas sa pangunguna ni Chairman Edgardo Santarin at mga kagawad na sina Sergio Almendras, Fernando Cosme, Minerva, Cabrera, Eulalie Almeida, Analie Malabanan, Regalado Miranda at ang masipag na number one kagawad na si Jessilyn Garcia, Bgy. Secretary Leonel Malabanan at Bgy. Treasurer Jierdette de Jesus.

Noong nakaraan buwan, nasaksihan ng CONGRESS FILES ang pagagawad ng Talisay Municipal Health Center ng Certificate of Appreciation sa kanilang invaluable services and contribution sa pagsasagawa ng 100 percent accomplishment sa Bivalent Polio Vaccine Catch-up and Supplemental Immunization Activity noong May at June.

Isa lamang ito sa naging achievement ng Barangay Sampaloc. Aktibo rin ang kanilang barangay sa beautification ang cleanliness, public order and safety, crime and drug prevention, sports activities, ang ilan dito.

Chairman Santarin at mga kagawad, kaisa nyo ang CONGRESS FILES sa inyong mga adhikain upang mas lalo pang mapagbuti ang serbisyo sa inyong barangay.

Tandaan, hindi matatawaran ang inyong sipag at tiyaga para balikatin ang buong problema sa barangay. Kayo ang inaasahan sa komunidad na kumakatawan sa malayang lipunan at sa Bagong Pilpinas!

Congratulations for the job well done!

Punta naman tayo sa munisipalidad ng Pakil, Laguna sa pamamahala ng butihing Mayor Vicente “Vince” Soriano at mga konseho.

Sakop ng 4th Legislative District ang munisipalidad ng Pakil sa lalawigan ng Laguna at si Mayor Soriano ang Lakas-CMD party Provincial Chairman.

Ngayong darating na 2025 mid-term elections, magtutulong sina Mayor Soriano at Art Capito upang mapaglingkuran ang ika-apat na distrito at ang munisipyo ng Pangil para makaroong ng bunga ang matagal nang nakatiwang-wang na lugar na pinag-samantalahan umano ng mga kasalukuyang nanunungkulan.

Ayon mismo sa ilang barangay officials na naka-usap ng CONGRESS FILES, hindi raw nagkaroon ng pagbabago sa buong 4th district kundi puro kalumaan lang.

Marami rin residente ang nagsabing hindi sila magkakamali sakaling si Mayor Soriano ang uupo sa 4th district dahil subok na ang kakayahan nito sa serbisyo publiko.

“Kung dito sa aming maliit na bayan ng Pakil, nagawa ni Mayor Vince ang lahat ng serbisyo sa komunidad, hindi malayong magagawa niya ito sa buong distrito. Magtutulong-tulong kami sa Barangay upang maiupo si Mayor Vince sa Kongreso at si Pareng Art Capito sa munisipyo ng Pangil,” sabi ng isang kagawad.

Hangad ng CONGRESS FILES ang inyong tagumpay upang mapaglingkuran ng tapat at CONG-VINCE-ING ang inyong mga constituents!

Tama ba!?

***

Ang ungas na kapit-bahay

ISANG dating opisyal ng Violago Homes Subdivision sa Batasan Hills sa Quezon City ang hindi na naalis ang kaangasan dala ng kayabangan.

Ang balita-balita, minsan na itong nahuli sa illégal possession of firearms and ammunition at nakulong ng isang buwan sa Police Station 12 sa Payatas, Quezon City. Nagpiyansa yata ng 100k kaya pansamantalang nakalaya.

Noong panahon na siya ang presidente ng Homes Owners Association, naglagay ito ng barrier sa bukana ng subdivision para singilin ng P5.00 ang lahat ng papasok at papalabas na sasakyan.

Hanggang nagkaroon ng kaguluhan sa lugar dahil maraming driver ng pampasaherong jeepney na byaheng Bagong Silangan-Ever Gotesco ang umangal sa sistema ni presidente. Pati residente ng Violago Homes ay sinisingil din ng P5.00.

Kundi ako nagkakamali, naibalita ito sa TV Patrol noon dahil nga sobrang mayabang at hindi makataong pagtrato ni presidente sa mga byahero.

Hanggang ngayon, may kaangasan pa rin daw ang sistema nitong si presidente. Walang kapit-bahay ang gustong kumausap sa kanya dahil nga sa ugaling german.

Hoy, mamang presidente, maghulos-dili ka sa ginagawa mong asal. Noong bago-bago ka pa sa Violago Homes, akala ng mga kapit-bahay mo matinong tao ka ngunit ibang klase ka pala makitungo.

Tandaan mo hindi ka tutulungan ng iyong mga kapit-bahay sakaling may mangyari dahil sa ugaling german ka.

Attention Armed Forces of the Philippines at Guardian, paki turuan po ng leksyon itong reserved officer nyo. Wala sa hulog!

Mabuti pang tumira ka na lang sa New Zealand.