Advertisers
Nabuwag ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bataan PNP sa isinagawang buy-bust operation sa drug den, na nagresulta sa pagkakadakip ng apat katao sa Purok 2 Brgy, Munting Batangas sa bayan ng Balanga City, Bataan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Julius Bañaris Magbanua, 41, Mary Jane Delumen Magbanua,46, Jey Burgos Valera, Male, 36 at Agnes Delumen Abad, 52 anyos kapwa residente sa Purok 2, Brgy. Munting Batangas,sa nabangit na lungsod.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ganap na ala-1:19 ng madaling araw ng Agosto 13 2024 ng masukol ang mga suspek.
Nakumpiska sa drug den ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00; assorted drug paraphernalias at buy-bust money.
Samantala, kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.(Thony D. Arcenal)