Advertisers

Advertisers

BUCOR HINDI NAGPAPABAYA SA PAGPAPALAYA NG MGA PDLs – DG CATAPANG

0 50

Advertisers

TINIYAK ng Bureau of Corrections ( BuCor ) na walang kapabayaan sa kanilang panig pagdating sa kapakanan ng mga persons deprived of liberty o mga taong pinagkaitan ng kalayaan, partikular sa isyu ng pagpapalaya sa kanila pagkatapos ng kanilang sentensiya.

Ibinunyag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na wala silang kaso ng overstaying na mga PDL sa ilalim ng kanilang nasasakupan, dahil sinusunod nila ang gabay na itinakda ni Justice Secretary Crispin Remulla na ang mga karapat-dapat para sa pagpapalaya ay dapat ilabas nang walang karagdagang pagkaantala na tinawag niyang “tunay na hustisya sa totoong oras.”

Ayon kay Catapang, wala silang kaso ng kapabayaan tulad ng nangyari sa isang PDL sa Cavite na sa kadahilanang hindi naipadala ng isang court staff ang release order ay nanatili siyang nasa piitan ng apat na taon pa ganong ang sintensya niya ay tatlong taon lamang. Lumalabas na sya ay nakulong ng pitong taon imbes na tatlong taon.



Sa unang bahagi ng taong ito, iniutos ni Catapang ang pagsusuri ng mga prison records ng lahat ng mga PDL na may mahigpit na utos sa kanyang mga tauhan na nais nitong magkaroon ng kaalaman ang mga PDL tungkol sa kanilang legal na dokumentasyon at mabigyan sila ng komprehensibong impormasyon sa kanilang mga talaan at ang mga pamamaraan na may kaugnayan sa kanilang paglaya habang nasa kustodiya.

“Gusto ko kasi na kahit sinong PDL ang tanungin ko kung kailan siya lalaya, alam niya ang isasagot niya,” ani Catapang

Ang PDL Documents and Processing Division (PDPD) ng Bucor na pinamumunuan ni CSINSP Raymund Peneyra ay nagsasagawa ng information drive para matugunan ang mga alalahanin ng PDL sa mga bagay na ito, na mahalaga para sa kanila na gumawa ng matalinong mga desisyon at magbigay ng pag-asa sa kanila habang nakakulong, sabi ni Catapang.

Sa ngayon, nakapaglabas na ang BuCor ng 15,382 PDL mula Hunyo 2022 hanggang Hulyo ng taong ito sa ilalim ng ‘Bilis Laya Program’ na naglalayong mapabilis ang pagproseso at paglabas ng mga karapat-dapat na PDL. Pinalaya sila sa ilalim ng iba’t ibang paraan, na kinabibilangan ng maximum na sentensiya na inihain, pagpapawalang-sala, paroled, probation, at executive clemency. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">