Advertisers

Advertisers

Green Spikers, Altas wagi sa Men’s Collegiate Challenge

0 8

Advertisers

SUMANDAL ang De La Salle University kay Joshua Magalaman upang tibagin ang Emilio Aguinlado College sa, 25-15, 25-22, 25-21, wagi sa V. League Men’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Manila Miyerkules.

Magalaman umiskor ng 13 points on 10 attacks at three blocks para sa Green Spikers na dinugtungan ang kanilang winning streak sa 3 at manateli sa tuktuk ng standings.

Habang ang Generals ay nalasap ang kanilang pangatlong sunod-sunod na kabiguan.



Ruther Abor umiskor ng block kill at ace para ilagay ang EAC sa 22-24 sa second set.

Chris Hernandez nag-ambag ng 10 points habang si MJ Fortuna may seven points para sa GreenSpikers, na makakaharap ang Ateneo Blue Eagles sa Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Abor nagtapos ng 15 points on 13 spikes,block. at ace para sa EAC,na susubukan na makapasok sa win kolum sa susunod na Miyerkules kontra Colegio de San Juan de Letran.

Samantala, University of Perpetual Help System dinispatsa ang Far Eastern University,23-25, 15-25, 26-24, 25-21, 15-6, sa ibang laro.

Nakipaglaban ang Altas sa deciding set, nabawi ang 10-1 lead sa kayod ni Kobe Tabuga at KC Andrade para tapusin ang laban sa dalawang oras at 13 minuto.



Tabla ang Perpetual sa FEU at National University 2-1.

Jefferson Marapoc pinamunuan ang Altas sa iniskor na 19 points,13 receptions, at eight digs.

Tabuga bumakas ng 14 points,kabilang ang four blocks,habang si Andrade at Jester Bornel umiskor ng 13 at 12 points.

Dryx Saavedra pinamunuan ang FEU sa 14 points,habang si Doula Ndongala at Amet Bituin nag-ambag ng tig-10 puntos.