Advertisers
Ni Jimi Escala
MULA nang pasukin ang showbiz ay sa Cavite nanirahan at doon na rin lumaki si Kaye Abad.
Kung ilang beses na rin naman kaming naimbitahan nj Kaye sa bahay nila sa Cavite.
pero nang mag asawa ay sa Cebu na nanirahan ang magaling na Kapamilya aktres. Kagaya ni Donna Cruz ay mas pinili nilang manirahan doon, huh!
Banggit pa ni Kaye na nung umpisa raw ay hindi raw talaga alam ng aktres kung ano ang kanyang magiging buhay sa Cebu mula nang mapangasawa ang dating Pinoy Big Brother housemate. “Noong una I don’t have an idea. I would actually just visit Cebu once a year for Sinulog ‘pag nag-i-invite until dito ako natira. I love it here in Cebu, very laid back, simple life, everything is near. I would drive my kids to school. Maggo-grocery ako mag-isa. ‘Yung buhay na pinangarap ko natupad lahat dito. ‘Yung pagiging mother, housewife, hindi ako artista dito,” lahad pa ng aktres sa isang panayam.
Ibinahagi pa ni Kaye ang obligasyon bilang magulang. Pagdating sa pagdidisiplina sa anak ay masasabing istrikto umano si Kaye kumpara sa asawang si Paul Jake Castillo.
Mas may takot daw sa kanya ang mga anak nilang sina Joaquin at Iñigo.
Sa tanong naman kung papayagan niyang pumasok sa showbiz ang mga anak ay hindi raw pipigilan ng aktres ang dalawang anak, huh!
“It depends siguro if they really like, because I believe show business if you really like to act, you love what you’re doing, mai-enjoy mo. Show business is not about fame. Show business is not about earning a lot of money. Magsa-start ka, hindi ka naman kikita nang malaki. Akala nila ang pag-aartista napakadali, na masayang buhay. Pero kung gusto talaga nila, if nasa dugo nila na gusto nila umarte. I guess ipapa-try ko sa kanila,” sey pa rin ng magaling na aktres.
Matatandaang nagpakasal sina Kaye at Paul Jake noong 2016. Ngayon ay mayroon ng dalawang anak na lalaki ang mag-asawa. “Never akong nagdalawang-isip. It was my dream to have my own family, as early as 18 sabi ko when I have my own family, I think I’ll stop acting because I want to concentrate with my family. At least ngayon hindi naman ako nag-stop, I’m still here, nag-lie low lang,” lahad pa rin ni Ms. Kaye.
***
ISINUGOD daw sa ospital ang sinasabing suspect sa kaso ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro,huh!
Matapos nitong itanggi ang panghahalay umano kay Sandro, ayun na ospital, huh!
Pero sa totoo lang, may ilan pa ring kumukwestiyon kung bakit pinakialaman ng Senado ang isyung sexual harassment na ibinibintang ni Sandro Muhlach sa dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Marami rin naman ang interesado sa naturang isyu.
May ibang kaso ng sexual harassment pa silang pag-uusapan, at sa katunayan nandun din sa hearing si Atty. Lorna Kapunan dahil ni-represent niya ang TV patrol reporter na si Gretchen Fulido.
Kung matatandaan, ilang taon na ang nakaraan kinasuhan ni Gretchen ang dating executives sa ABS-CBN ng Sexual Harassment at Libel.
Naungkat uli ‘yan ngayon dahil sa isyung ito ni Sandro.
Kaya may mga nagtatanong na rin kung aabot din ba ito sa Kongreso.
Sabi naman ni Cong. Lani Mercado nang makatsikahan namin sa DZRH, hindi lang naman sa entertainment nangyayari itong sexual harassment. Kaya hindi pa raw niya alam kung aabot din ito sa Kongreso.
Sa isang interbyu kay Cong. Lani Mercadi ay
binanggit niya na pagkatapos pala nung nangyaring insidente, kinabukasan daw ay pumunta raw sila ni Niño kay Sen. Bong para humingi ng payo. Nakita raw ni Cong. Lani kay Sandro na sobrang na-trauma ito sa nangyari sa kanya.
“This is kinda sensitive. Ang sabi namin idiretso n’yo agad sa network. Magsabi kayo agad kay Atty. Annette Gozon dahil siya ang boss namin. Huwag nang iparating kung kanino pa. Seek her advice on what to do dahil sakop niya ‘yung mga alleged na taong gumawa ng hindi magandang aksyon na ito”sey pa ni Ms. Lani.
Kahit si Sen. Bong ay sinabi rin sa hearing sa Senado na nakita niya kung gaano katindi ang trauma kay Sandro.
Kaya naniniwala siyang totoo ang mga sinabi ng anak ni Niño Muhlach, huh!