Advertisers
NASAWI sa nangyaring aksidente ang isang driver habang nagtatakbo palayo ang pahinante nito makaraang aksidenteng bumangga sa sementadong arko ang minamanehong container trailer truck na pagmamay-ari ng E-Sygo Logistic na may plakang NDW 7617 sa kahabaan ng Daang Marinig, Barangay Sala sa lungsod sa Laguna.
Kinilala ang nasawing driver na si Bryan Ramos, 40 anyos residente ng Sitio Lumang Ilog sa Taytay Rizal, habang ang pahinanteng tumakas ay si Jeffrey Torregosa na nasa hustong gulang.
Base sa ginawang pag iimbestiga ng mga tauhan ng Cabuyao City PNP binabagtas ng nasabing trak ang Silangang bahagi ng lugar ng pinangyarihan ng aksidente subalit pagsapit sa tulay ng Barangay Sala at Barangay Marinig ay bumangga ito sa kongkretong arko dahilan para mabagsakan ang minamanehong trak ng biktimang si Ramos at naipit ito dahil sa bigat ng arko.
Agad naman huminge ng tulong ang pahinanteng si Torregosa na masuwerteng nakaligtas subalit bigla na lamang umalis at iniwan ang kaniyang kasamang driver na dinala sa Ospital ng Cabuyao ng mga rumespondeng kagawad ng Bureau of Fire Protection, Cabuyao City CDRRMO at mga volunteers subalit idineklarang Dead on arrival ng rumespondeng Doktor.(Koi Laura)