Advertisers
Ni Archie Liao
PINAG-usapan ang pagsasama sa isang entablado ng tatlong love teams na nag-perform sa ASAP in California kamakailan: ang DonBelle, KimPau at ang bagong tambalan nina Anne Curtis at Joshua Garcia.
Of course, marami ang nag-cheer sa tambalang DonBelle at KimPau dahil may sarili nang following ang kanilang love teams.
Sa kaso naman nina Anne at Joshua na magsasama pa lang sa Pinoy adaptation ng toprating Korean drama na “It’s Okay to Not Be Okay”, naging mixed ang pagtanggap ng mga tao.
Sey nila, mismatched daw ang tambalan ng dalawa bagama’t may nakikitang promise naman ang ilan sa kanilang tandem.
May mga nag-oopinyon pang mas bagay daw si Anne kay Echo na hindi nalalayo ang edad dito.
Ito ang kanilang mga komento.
“walang chemistry ??????????”
“Parang sila lang ang naiiba.”
“For some reason, it feels wrong.”
“Pwede sana si Echo na lang kinuha nila hindi na nagjoshua na naman ??”
“Actually, mas bagay si Echo kay Anne dahil nagsama na sila sa “Green Rose.”
“Si Anne naman, halos ageless, puwede siyang itambal sa mas bata o matanda o kahit ka-age niya.”
“Di kaya mag-suffer sa overexposure si Joshua.”
“Di ko rin na-feel iyong tambalan nila ni Jodi sa “Unbreak My Heart.”
“Parang di rin bagay kay Anne ang role. She’s too old for that.”
“Ang hirap ipilit ng chemistry nila, kaso nagshoot na eh so hindi na mapapalitan ang leading man. Malakasang PR and hype na lang ang gagawin ng management. But I do agree that Anne still looks fresh and hot at 39.”
Sina Anne at Echo ay nagsama na noon sa Pinoy adaptation ng Kdrama na “Green Rose.”‘