Advertisers

Advertisers

Misting sa 103 public schools sa Maynila, ipinag-utos ni Mayor Honey

0 14

Advertisers

INATASAN ni MAYOR Honey Lacuna ang Manila Health Department (MHD) na magsagawa ng misting sa 103 public elementary at high schools dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue dahil sa tag-ulan.

Sinabi ng alkalde na ang MHD misting teams ay mag-iikot sa mga paaralan pagkatapos ng oras ng klase at magi-entertain din ng kahilingan para sa mga pamayanan.

Kaugnay nito ay muling inulit ni Lacuna ang kanyang naunang panawagan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at may apela rin siya sa mga barangay authorities na tumulong sa city government sa pagpapakalat ng impormasyon sa dengue at kung paano ito iiwasan.



Nanawagan din ang punong ehekutibo sa mga residente na mag-ambag sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang sariling kapaligiran sa lahat ng oras at tumulong sa pagtukot ng posibleng pinamumugaran at lugar ng dengue-carrying mosquitoes.

Ganito rin ang apela ng lady mayor sa lahat ng kawani ng City Hall kung saan ipinanawagan niya na dapat na maging modelo ng kalinisan at kaayusan.

“Ang dengue ay sakit na maaring iwasan. Dala ito ng lamok pero naiiwasan kung pananatihing malinis ang paligid.. Huwag mag-iwan ng imbak na tubig, linisin ang mga kanal dahil diyan namumugad ang mga lamok na may dalang dengue,” pagbibigay diin ng alakde.

Nabatid kay Lacuna na ang misting at spraying activities para labanan ang dengue ay gagawin sa lahat ng public schools sa lungsod mula August 19 hanggang September 20, 2024.

Ayon sa ulay, ang bilang ng suspected, probable at confirmed dengue cases sa lungsod mula July 21 hanggang August 9, 2024 ay umabot na sa kabuuang bilang na 131. Sa nasabing bilang 23 ang kumpirmadong nasawi.



Binigyang diin ng alkalde na hindi na kailangang tumaas ang bilang sa pamamagitan ng need preemptive actions na maaaring pamunuan ng mga barangay leaders na pangungunahan ang kanilang mga nasasakupan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang kapaligiran.

Hinikayat din ni Lacuna ang mga kabataan na mag-download ng game app na ‘Kapitan Ligtas’ upang malaman ang tungkol sa dengue habang nag-i-enjoy ng game. (ANDI GARCIA)