Advertisers

Advertisers

Pagka-alis ni Alice maraming opisyal ang maaalis

0 18

Advertisers

KUNG nakaalis nga ng bansa ang wanted na sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Gou, siniguro ni Justice Secretary “Boying” Remulla na maraming ulo ang gugulong dito. Dapat lang!

Inihayag ni Senador Risa Hontiveros ang pagkalabas ng Pilipinas ni Alice noon pang Hulyo 18. Hindi lang matukoy kung saan siya dumaan. Pero ang unang destinasyon niya ay Kuala Kumpur, Malaysia tapos pumunta ng Singapore kungsaan na-meet niya ang kanyang ama, ina at kapatid.

July 17 ng gabi raw umalis ng Pilipinas si Alice patungong Malaysia.



Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration na nakalabas na nga ng bansa si Alice. Pero hindi nila alam kung saan ito dumaan.

Kaya masusing pinaiimbestigahan ngayon ni Sec. Remulla ang pagkalabas ng bansa ni Alice, na ang tunay na pangalan ay Gou Hua Ping, isa sa umano’y mga opisyal ng sinalakay na POGO hub sa Porac.

Iba naman ang sinasabi ng abogado ni Alice na si Stephen David. Nakausap daw niya ang kanyang kliyente at tiniyak sa kanya na nasa Pilipinas pa ito.

Pero higit na kapani-paniwala ang mga ipinahayag ni Sen Risa dahil detalyado ito, at kinumpirma narin ng Immigration.

Kaya ang pukos ng imbestigasyon ngayon ay kung saan dumaan si Alice palabas ng Pilipinas.



Ang sigurado tayo ay may mga kumita ng malaki sa pagka-alis ni Alice. Kung sino sino ang mga ito, yan ang dapat alamin ng intelligence ng gobyerno, Sec. Boying, Sir!

Mismo!

***

Nag-isyu uli ng alias warrant of arrest ang Pasig City Regional Trial Court laban sa puganteng pastor na si Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Ang alias warrant of arrest ay iniisyu ng korte kung ang original warrant ay hindi naisilbi, na kadalasan ay dahil hindi ito matagpuan. Dahil dito ay kailangan uli mag-effort ang mga otoridad para iharap sa korte ang nasasakdal.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong walang piyansa tulad ng rape at qualified human trafficking.

Wanted din si Quiboloy sa Davao City RTC, na inilipat ang jurisdiction sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa kahilingan ng complainants para sa kanilang seguridad.

Wanted din si Quiboloy sa Feferal Bureau of Investigation sa Amerika dahil din sa mga kasong rape, human trafficking, fraud at dollar smuggling.

Pinaaaresto rin si Quiboloy ng Senado at Kamara dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig sa mga isyu laban sa kanya.

Pero unlike Alice Gou na nakalabas ng Pilipinas, si Quiboloy ay nagtatago raw sa loob ng 30-ektarya niyang compound sa Davao City na bantay-sarado ng kanyang supporters.

Pina-freeze narin ng Court of Appeals ang mga ari-arian ni Quiboloy kabilang ang kanyang eroplano at luxury vehicles.

Ang mga kasong ito ni Quiboloy ay hindi mabubura hangga’t hindi siya humaharap sa korte at hindi nagkakaroon ng resolusyon ang mga reklamo laban sa kanya.

Oo! Kahit makabalik pa sa Malakanyang ang mga Duterte, mananatili siyang wanted sa batas. No one is above tha law!!!