Advertisers

Advertisers

PINAALIS ANG ALICE

0 16

Advertisers

WALA na sa Pinas ang kontrobersyal na si Alice Guo!

Ganito ang punto ng naging pahayag ni Senador Risa Hontiveros na siyang pangunahing politiko sa Senado na gumisa at patuloy na gumigisa kay Guo katuwang si Senador Win Gatchalian.

Naipunto na kamakailan na kung mayroon man kakayahan itong si Guo na makapuslit palabas ng Pinas ay tiyak na gagawin ito dahil pihadong kalaboso na ang aabutin nito sa ating bansa.



Sa itinatakbo kasi ng serye ni Guo ay naipako na ito sa krus ng publiko nang dahil sa mga pagdinig na dinaluhan nito lalo sa harapan ni Sen Risa at Sen Win na may taban na mga dokumento laban sa kanyang tunay na katauhan.

Pero hindi pa naman masasabi na puwede nang bigyan ng konklusiyon ang mga paratang laban kay Guo dahil tanging ang husgado lamang ang wastong maggawad ng desisyon kung totoo o gawa-gawa ang mga paratang.

Ngayon, ano ang bago rito? Sa tagal nang panahon na naiulat ang iligal na operasyon ng POGOs sa bansa kabilang na ang pagdami ng mga dayuhang Singkit sa bansa ay sa wakas… natumbok na ang Bureau of Immigration (BI).

Noong una kasi ay tila kasama pa ang BI sa mga ahensiya ng gobyerno na bidang-bida sa paggiba ng operasyon ng POGOs dahil mayroon natutuklasan na mga Singkit na walang kaukulang dokumento upang manatili sa ating bansa.

May pagkakataon pa na mismo ang BI raw ang nagpapakita ng mga dokumento laban kay Guo sa ilang pagdinig na ginanap sa Senado na wala man lang nakapansin na ang pangunahing sangkot dito ay ang ahensiyang ito.



Alam naman nang lahat kung sino ang pangunahing ahensiya na sangkot sa pagdami ng tinatawag na ‘illegal alien’ o yung mga banyaga na hindi dapat makapasok o manatili sa ating bansa.

Bahagya man nakalusot ang BI sa mga pagdinig dahil marahil nakatuon ang lahat sa paggisa kay Guo subalit kung totoo na naka alis si Guo palabas ng bansa ay pihadong uubuhin ang BI kung saan kukuha ng katwiran ang mga ito.

Ewan ko lang kung may maniniwala pa na walang kinalaman ang BI kung totoo ang impormasyon ni Sen Risa. Mayroon ‘isinuksok’ kaya nakapasok, mayroon din ‘padulas’ para makalabas ang mga ‘illegal alien. Sigurado yan, taumbayan!

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com