Advertisers
KASALUKUYANG inihahanda ng political team ni BBM ang tiket ng administrasyon sa senador na ilalaban sa 2025 midterm elections. Mayroon mga pinagtatalunang isyu, ayon kay Ronald Llamas, aka Edu Mansanas, sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Kyusi. Kasama na riyan kung isasama sa tiket ang magkakapatid na Erwin at Ben Tulfo, mga nangunguna sa survey. Hindi sila sigurado kung babasbasan ni BBM ang dalawa.
Kasama sa tiket si Camille Villar, ang anak ni Cynthia. Magtatapos ang termino ni Cynthia sa 2025 at nais niya pumalit si Camille sa kanya. May plano na isama si Imee upang matigil na ang batikos sa kapatid. Nanganganib na hindi isama si Francis Tolentino, Bong Go, at Bato dela Rosa dahil ikilala silang mga tao ni Gongdi.
Sinabi ni Llamas na may kapit si Tolentino sa mga taga-administrasyon. Hindi malinaw si Bong Go at Bato. May posibilidad na magkaroon ng common candidates ang tiket ng administrasyon at pangkat ng Davao City. Maaaring isama si Kiko Pangilinan sa tiket ng administrasyon. May mga mangyayari pa sa susunod na araw. Maraming sorpresa, ani Llamas.
***
NOONG isang taon pa namin sinabi na naghahanda ang pangkat ni Gongdi ng sariling people power sa Davao City upang pigilan ang pagdakip ng maykapangyarihan kay Gongdi at mga kasapakat tulad ni Bong Go, Sara Duterte, Bato dela Rosa, at iba pang sangkot sa madugo ngunit palpak na digmaan kontra droga. May balita na dadakpin sila ng International Police (Interpol) katulong ang PNP kapag bumaba ang arrest warrant ng ICC.
Ngunit mapurol ang pangkat ng Davao City. Mukhang hindi nila alam na may paghahanda rin sa Metro Manila upang matuloy ang pagdakip sa sindikatong criminal ng Davao City. Hindi kami magtataka kung may inihanda ang mga civil society organizations upang magkaroon ng pressure upang matuloy ang pagdakip sa kanila. Iyan ang hindi nila maintindihan.
Walang makakapigil sa mga mamamayan ng Metro Manila upang magpahayag ng kanilang pagsang-ayon sa pagdakip kay Gongdi at tropang kriminal upang mapanagot sa maraming pagpatay kaugnay sa war on drugs ni Gongdi. Nahaharap sila sa bintang na crimes against humanity sa sakdal na iniharap ni Sonny Trillanes at iba pa. Marapat managot si Gngdi at mga kapanalig sa karumal-dumal na krimen.
***
HINDI biro ang akusasyon ni Bato dela Rosa sa mga kasapi ng QuadComm na kasalukuyang nagsisiyasat sa mga ginawa ng administrasyon ni Gongdi. Kasama sa sinisiyasat ang madugo pero bigong war on drugs ni Gongdi. May sagot si Rep. Romeo Acop ng Antipolo City sa bintang ni Bato. Pakibasa:
Sinopla ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald ‘Bato’ Rosa, matapos tawagin ng senador ang mga kongresista—partikular ang quad-committee na nag-iimbestiga sa hinihinalang magkakaugnay na issues ng Philippine offshore gaming operator (POGO), ilegal na droga, at extrajudicial killings—na mga oportunista at walang prinsipyo sa pagtuligsa sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
“We are simply doing our duty. There’s no need to fear the quad-committee unless there’s something to hide. It’s becoming too obvious that Sen. Dela Rosa is scared,” ani Acop, na tulad ni Dela Rosa ay retirado rin mula sa Philippine National Police (PNP).
“We are here to serve the Filipino people, not to act as pawns in anyone’s political game. Unlike Sen. Dela Rosa, our focus is on the truth, and we will not be deterred by threats or accusations,” sabi pa ng kongresista.
“Sen. Dela Rosa may have chosen to be Duterte’s loyal K9, but I will never compromise my principles. We will follow the evidence wherever it leads and hold those responsible accountable—no matter how powerful they are,” dagdag pa ni Acop.
***
MAY tanong kaming napulot sa Internet. Noong ika-10 ng Hulyo, pinangalanan ng PNP si Col. Lito Patay bilang bagong hirang na hepe ng Davao City Police. Ngunit pagkalipas ng apat na oras, binawi ang pagkakahirang kay Patay. Si Davao City mayor at anak ni Gongdi na si Sebastian “Baste” Duterte ang pumili kay Patay.
Nakalipas ang dalawang araw, inalis ng PNP ang 75 police officer kay Bise Presidente Sara Duterte. Masyadong malaki ang security detail ni Sara. Tanong: Is the PNP cleansing its ranks of Duterte men?
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Robin and Bato make the perfect pair. One is a lapdog the other is in heat…” – Mackoy Villaroman, netizen, kritiko
“LABANAN ng People Power: People Power ng Davao City (suporta kay Gongdi) vs. People Power ng Metro Manila (kontra kay Gongdi).” – PL, netizen, kritiko
“DEEP in their hearts, Bato and Gongdi know they are criminals. They are murderers of hapless people, who did not have the capacity and capability to fight back. Yet, they play the victim card, as if they were ones who were victims of men’s inhumanity to fellow men. This is the tragic irony of unimaginable proportion. Yes, they are murderers of poor, oftentimes innocent people.” – Jorge Maddela, netizen
***
Email:bootsfra@gmail.com