Advertisers

Advertisers

Anak 13 taon sex slave, nabuntis ng ama

0 36

Advertisers

Kulong na ang isang delivery rider nang 13-taong gawing sex slave ang sariling anak at mabuntis pa nito sa Tondo, Manila.

Inatesto ang suspek na si alyas ‘Domeng,’  batay sa reklamo ng kanyang 18-anyos na anak na dalaga, na sinamahan ng kanyang inang si Lyn.



Batay sa reklamo, limang taong gulang pa lamang siya nang sinimulan siyang molestiyahin ng suspek.

Naganap umano ang pinakahuling pangmomolestiya ng suspek sa biktima noong Agosto 18, 2024 lamang, ganap na 3:30 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay, kahit anim na buwan na palang buntis ang biktima.

Nagmakaawa pa umano ang biktima sa ama na huwag na siyang halayin ngunit sinabihan umano ang biktima ng suspek, “isa na lang anak, pagkatapos nito aalis na ako at hindi na magpapakita.”

Dito umano hindi na nakatiis pa ang biktima at isinumbong na sa kanyang ina ang ginawa sa kanya ng ama.

Sinasabing isinasagawa ng suspek ang panghahalay tuwing wala ang ina ng biktima.



Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti Rape Law sa piskalya.