Advertisers

Advertisers

COACH YENG GUIAO, SAKTO SA PBA COMMISSIONER POST?

0 7

Advertisers

SA Basketball World partikular sa top professional league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA), high-sounding ang isang Coach JOSELLIER ‘YENG’ GUIAO na unang naging mas matunog ang pangalan nang naging commissioner ng amateur league na PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE (PBL) na defunct na ngayon.

Nasa PBA siya bilang headcoach ng RAIN OR SHINE ELASTO PAINTERS, dating WELCOAT SA PBL na umakyat sa pro league.

Tawag-pansin and recent scenario sa nagdaang PBA Season nang itira ni TERRENCE ROMEO ng SAN MIGUEL BEER (SMB) ang bola sa remaining seconds na malaki na ang lamang sa ROS. Kalakaran o masasabing panuntunan na hindi na mag-shoot sa ganitong game period. ‘RESPETO’ ang idiniin ni Coach YENG kontra Kay ROMEO.



As expected, hirit ang bashers ni Coach YENG na tumukoy sa style niyang ‘pagmumura’ sa kanyang players na pasaway o hindi sumusunod sa instruction at gumagawa ng sariling eksena. Hati ang opinion, may mga pabor sa istilo ni GUIAO at tumukoy sa mahusay niyang pagdevelop sa kakayahan at karera ng players na hinahawakan.

Kilalang vocal si Coach YENG sa pananaw at saloobin sa mga nagaganap o takbo ng PBA at pinupuna niya ang hindi umano patas na kalakaran sa mga koponan. Independent team ang ROS at mahirap humarap sa malalaki at bigating teams na magkakakampi o higit sa isa ang franchise.

“ Dapat sumunod sa rules hindi yun palakasan ng impluwensya at padamihan ng pera , kawawa naman yung mga independent team, kaya mga sila sumali kasi alam nila maganda ang oportunidad kaso nangyayari padamihan ng pera kaya nakukuha ang gusto. Sila-sila lang ang lumalakas..” hinaing niya.

Sa mga nakakakila sa tunay na Coach YENG GUIAO, istrikto ito sa trabaho, pero mabait and masasabing may pagka-karinyoso o malambing sa close friends, accommodating at sincere na kausap.

Well, ang alam namin, kaya well-known political clan sa Pampanga ang kanyang pamilya, dahil na rin sa magandang serbisyo at treatment sa constituents nila, simula pa sa time ni Governor BREN GUIAO na di man namin inabutan ang term ay byword na sa Kapampangan ang record.



Maraming nakaabang kung papayag ba si Coach YENG na maupo bilang next PBA commissioner dahil patas umano at mahusay ang logic, may strong stance.

Bitaw niya for a throwback, sa offer to join the league’s leaders, “ I chose the path which I feel I would be happier which was trying to continue to coach. I’m not ready to retire. I feel I have a lot more coaching years left and I feel I can contribute more with the knowledge, experience and learnings I’ ve gained over the past years,” So, from here, abangan po natin. On our point, sakto at very promising head si Coach YENG GUIAO if time will allow him to occupy the next PBA commissioner post. KUDOS!

AUGUST CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Mandaluyong City Cong. NEPTALI ‘ BOYET’ GONZALES, to Sir JOHN JAMESON A. PAJITA, RACHEL ANGELA O. VILLANUEVA and MARK ANTHONY H. ARMAS, also to Mam DAISY MANALILI FRANCISCO, REBECCA PORTUGAL EVANGELISTA and JANINE SORIANO, all of Cabanatuan City.HAPPY READING!