Advertisers
NAGREHISTRO si Filipino archer Agustina Bantiloc ng 618 points para magtapos na pinakahuli sa 28 entries sa ranking round ng women’s individual archery event sa Paralympic Games sa Paris, France Huwebes ng gabi sa Manila.
Nakatunggali ni Bantiloc ang Brazilian veteran Jane Kogel sa knockout stage Biyernes sa Les Invalides archery arena. Magtatagpo sila local time (9:17 p.m. sa Manila) para sa spot sa next round.
Kogel, na four-time Parapan American Games gold medalist, ay fifth overall sa ranking round na may 691 points.
“I am happy with what I performed because I believe that I did my best,” wika ng 56-year-old Bantiloc ng Tanudan, Kalinga.
Samantala, Hangzhou Asian Para Games gold medalist Jerrold Mangliwan ay nakatakda na sumabak Biyernes sa first heat 11:13 a.m. local time (5:13 p.m. sa Manila) ng men’s 400-meter T52 race sa 75,000-capacity Stade de France kasama ang defending champion Maxime Carabin ng Belgium, Mexico’s Salvador Mondragon, Switzerland’s Fabian Blum, at Japan’s Ito Itsuya.
Ang top three finishers ang susulong sa finals at 7:14 p.m. local time (1:14 a.m. Sabado sa Manila).