Advertisers
Nakakapanlupo ang mga nakakapangyayari sa kasalukuyan habang nakakapangilabot ang pagbibingi- bingihan ng Kongreso at ng mga opisyal natin sa pamahalaan patungkol sa isyu ng ” cocaine use ” ng nakaupong Pangulo ng bansa sa kabila ng “public clamor” na magpa- drug test ito upang patunayang di totoo ang mga akusasyon laban sa kanya at sa kanyang circle of friends na gaya ni Marcos Jr. ay nanunungkulan sa gobyerno.
Hair follicle test ang hamon ng maraming sektor kay Marcos Jr. at sa umano’y mga ‘ jamming buddies’ nito para once and for all, matuldukan ang napakasamang akusasyong ito ngunit patuloy na dinidema ni Bongbong Marcos Jr.
Ang masakit,ultimong mga menor de edad na high school students sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay naniniwalang totoong adik ang presidente ng bansa.
Masama itong indikasyon ayon sa mga eksperto gaya ng mga neuro doctors at psychiatrists at maging ng mga guidance counselors ng mga eskuwelahan.
Nagbibigay kasi ito ng maling mensahe sa ating mga kabataan na ang paggamit ng illegal drugs gaya ng cocaine o “POLVORON” ay isang legit lifestyle lamang ng mga taong mayayaman at nasa poder o kapangyarihan.
Magkakaroon ng wrong perception ang mga kabataan na ang droga ay bawal lamang sa mga mahihirap na mamamayan.
Na kapag mayaman ka o may tungkulin sa pamahalaan ay okay lang na gumamit ng iligal na droga kahit araw- araw pa.
Hindi maipaliwanag ng kanilang mga guro kung bakit nakakapangyayari ito sa ating lipunan ngayon.
Di naman ito direktang maitanggi ng mga school authorities dahil lalabas naman ang mga itong sinungaling dahil sa araw- araw na ginawa ng Diyos,nakikita at natutunghayang ito ng mga kabataan sa social media na pinapatunayan ng mga testigong nagpapatunay at naglalahad ng detalyadong katotohanan.
Maging ang hanay ng kapulisan at kasundaluhan ay matamang nag- iisip na rin at nagiging mapanuring nagmamasid at nakikiramdam.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpapakita ng puwersa ng PNP laban sa mga kritiko ng administrasyong Marcos Jr.,lalong lumalakas ang tinig ng disgusto laban sa lideratong Marcos Jr.
Kung ang SWS ay magsasagawa ng survey patungkol isyu ng ” illegal drug use”,ni Marcos Jr.,ano kaya ang magiging resulta ng gagawing random surveys kung tatanungin kung sinu- sino sa mga PILIPINO ang naniniwala o hindi?
Partikular sa sektor ng mga kabataan at mag- aaral.
Kaya bang isapubliko ng SWS ang magiging resulta ng kanilang survey?
Hinahamon po natin ang SWS na itaya ang credibility at integridad nila sa isyung ito.
Nauuhaw po ang sambayanang Pilipino sa katotohanan at natatakot po ang mamamayan na patuloy na pamunuan ng presidenteng inaakusahang adik sa cocaine at wala sa katinuang wisyo dulot ng droga.
Lehitimong karapatan ng bawat Pilipino na matakot at mag- alala sa kanilang buhay at kaligtasan lalo na at sa decision making ng Pangulo ng bansa nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng bawat Pilipino.
Hindi krimen ang hilingin ng taongbayan kay Marcos Jr.na magpa- drug test para sa ganoon ay maibsan lamang ang kanilang takot at pangamba.
Ang excessive show of force ng PNP sa Davao City,sa KOJC compound ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi normal sa paningin ng mamamayan.
Ngayon lamang ito ginawa ng kapulisan na hindi naman aaksyon ng ganito ka- daring kung walang basbas at direktang kautusan mula sa palasyo ng Malacanang.
At the end of the,ang konklusiyon ng mamamayan ay mula sa isang wala sa wisyong presidente nagmumula ang orders being the commander- in- chief.
Kung magpapatuloy na aaktong protektor ni Marcos Jr.ang Kongreso dahil ang pinsan nitong si Martin Romualdez ang Speaker of the House of Representatives, walang magiging option ang taongbayan kundi ang pag- aaklas sa tulong ng militar at iba pang puwersang maka- nasa.
Hihintayin pa ba natin ito o aaksyon na tayo para gawin ang tama?
Sa kabila ng resources at manpower ng gobyerno tulad ng PNP na ginagamit ni Marcos Jr., ng misis nitong si Liza Marcos at mga asong ulol ng mga ito,ramdam at dinig natin ang kabog ng dibdib ng mga ito na bumabagabag sa kanilang kalooban.
Pinamamahayan ng takot ang kanilang mga puso sa patuloy na pang- AABUSO sa kapangyarihan at paggawa ng masama!
History will repeat itself.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com