Advertisers
Hindi maiwasan ng ilang mga kababayan na humanga kay Nesthy Petecio sa paghahandog ng mga premyo sa boksing sa pamilya
Yung mga naibigay na bahay at lupa sa panalo niya sa 2020 Tokyo Olympics ay napunta sa mga magulang at mga kapatid
Ganoon din daw gagawin niya sa mga regalo sa pagkakasungkit niya ng bronze sa 2024 Paris Olympics.
Kabilang sa mga Pinoy na bumilib kay Nesthy ay si Mark Andrew Yulo, ang ulo ng angkan ng double gold winner na si Carlos.
Sa isang post sa social media ay inamin ng tatay ni Csloy na idolo niya si Petecio.
Pagpupugay sa husay sa pagiging boksingera. Pati na rin sa pagiging mabuting anak.
***
Nalito si BBM sa pagbanggit ng pangalan ni Carlos Yulo sa isang panayam.
Sa halip ay nasabi niya na Carlos Loyzaga gayong ang gusto niyang tukuyin ay ang bayani natin sa kapitolyo ng France.
Marahil maraming iniisip ang dayunyor ni Imelda sa oras na iyon. Idagdag mo pa na ang DENR Sec niya ay Yulo-Loyzaga ang apelyido.
Samantala nakita ng personal ni Aling Barang ang 24 años nq kampeon sa gymnastics nang magsimba siya sa Our Lady of Beautiful Love sa Merville, Parañaque. Kahit may kaliitan ay guwapo raw ito.
***
May adult cage clinic na sa San Juan. Ang tinutukoy natin ay ang magsisimula bukas sa Greenhils West na pang 18 años pataas.
Anim na linggong session ito sa halagang P3999. Karamihan ng mga ganire ay pambata tulad ng kay Jeff Chan na sa QC naman tuwing Sabado at Linggo sa susunod na buwan.
Mabuti mayroon na rin pang malalaki na.
Magaling itong exercise at bonding ng barkada.
Mapalad naman mga bata na makakasama ang 3 point shot artist na nagdribol noon sa Rain Or Shine at Ginebra San Miguel.