Advertisers

Advertisers

EX-LIPA MAYOR MEYNARDO SABILI MAY DALANG PAGBABAGO SA PCUP

0 59

Advertisers

MASASABING isang bagong kabanata ang sumibol sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) matapos ang pormal na pag-upo ni dating Lipa City Mayor Meynardo Sabili bilang bagong chairman ng komisyon.

Sa pamumuno ni Sabili, na naglingkod bilang alkalde ng Lipa mula 2010 hanggang 2019, umaasa tayong magkakaroon ng bagong direksyon ang ahensya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod.

Hindi maitatanggi ang kahusayan ni Sabili bilang lider.



Bago ang kanyang panunungkulan sa PCUP, naging senior provincial board member siya ng Ika-4 na distrito ng Batangas, at Undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Taglay ni Sabili ang matibay na akademikong pundasyon, bilang valedictorian at magna cum laude mula sa University of Santo Tomas (UST) Graduate School of Law Master of Law Program, at nakatanggap ng Certificate of Ethical Practice mula sa Harvard University.

Ang kanyang kaalaman sa urban development, policy-building, at community building ay magiging mahalagang ambag sa mga programang pang-ekonomiya at para sa maralitang lungsod ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Siya ay tunay na may malasakit sa bayan.

Dulot ng kanyang malawak na karanasan, hindi maikakaila ang kakayahan ni Sabili na pamunuan ang PCUP tungo sa mas maliwanag na hinaharap.



Ang kanyang pangako at dedikasyon sa serbisyo publiko ay magbibigay ng bagong sigla at inspirasyon sa mga inisyatibo ng komisyon para sa mga mahihirap na mamamayan.

Tiyak na kanyang ipaglalaban ang bawat karapatan at kapakanan ng bawat Pilipinong nangangailangan.

Habang tinatahak natin ang landas tungo sa mas patas at mas maunlad na pamayanan, nakatitiyak tayong nasa tamang mga kamay ang PCUP.

Hiindi lamang ito nangangahulugan ng mas mahusay na pamamahala kundi isang kongkretong hakbang patungo sa pagbabago na matagal nang inaasam ng ating mga kababayang maralitang tagalungsod.

Aba’y sa kanyang karanasan at galing, naniniwala tayong si Sabili ang tamang pinuno upang isulong ang mas makabuluhang pagbabago sa komisyon.

Siya ay isang lider na may integridad, kakayahan, at tunay na may malasakit sa kapwa kaya’t ang pagkakatalaga sa kanya ni PBBM ay maituturing na isang bagong pag-asa para sa ating mga kababayan.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.