Advertisers

Advertisers

Malasakit nina PBBM, SOTHRomualdez, Mayor Honey, Rep. Maceda sa mga kapus ang kita, pinuri ni Bgy. 497 Ch. BBM

0 61

Advertisers

PINAPURIHAN ni Bgy. 497 Chairman Bongbong Marzan (Ch. BBM) ng Dimasalang Sampaloc, ang malasakit na ipinakita nina President Ferdinand Marcos Jr, Speaker of the House Martin Romualdez , Mayor Honey Lacuna at Congressman Ernest Maceda sa mga barangay tanod, riders/bikers, day care workers at market vendors sa buong lungsod.

Naging katuwang si Ch. BBM nina Mayor Honey, Vice Mayor Yul Servo at Manila Social Welfare Dept. chief Re Fugoso sa pamamahagi ng P2K cash incentive kamakailan sa libo-libong mga barangay tanod ng may 896 barangay sa Maynila.

Ang pagbibigay ng nasabing cash assistance na mula sa Ayuda para sa KAPUS ang KITA PROGRAM) AKAP assistance program nina Pres. Marcos Jr, at Speaker Romualdez ay ginawa sa San Andres Sports Complex.



Samantala ay sinalubong naman ng palakpakan ng ipakilala si Ch. BBM bilang BBM ng Sampaloc sa isinagawang pay-out para sa mga beneficiaries ng AKAP program ni Dist. 4 Cong. Maceda.

Sa nasabing payout na ginawa sa Nazareth Basketball Court ng Bgy. 435 ay katuwang muli si Ch. BBM ni Mayor Honey Lacuna sa pagbibigay ng ayuda sa first batch ng 472 katao na kinabibilangan ng riders/bikers at day care workers. Umabot naman sa 408 na mga market vendors ang nabiyayaan ng ayuda para s second batch.

Sa kanyang maiksing pagpapaliwanag ikwinento ni Ch. BBM ang nasa likod ng kanyang pangalan.

Ayon sa kanya ang buo niyang pangalan ay Ramon Martial Ferdinand “Bong Bong” Marzan. Ang Ramon ay mula sa kanyang ama, ang Martial ay dahil sa ipinganak siya sa petsa ng deklarasyon ng Martial Law, ang Ferdinand ay hango sa pangalan ni dating Ferdinand Marcos Sr.na ama ng kasalukuyang Pangulo ng bansa kaya naman Bong Bong rin ang naging palayaw niya.

Mismong si Mayor Honey ay pumalakpak nang tawagin si Ch. BBM bilang BBM ng Sampaloc.



Si Ch. BBM at hindi na baguhan sa larangan ng pulitika. Marami ang naniniwala at nagsasabi na hinog na ang batang Punong Barangay. Ilan lamang sa kanyang karanasan ay ang pagiging SK Chairman, Bgy. Chairman (uncontested), Director Liga ng mga Barangay.

Buong pusong nagpasalamat si Ch. BBM sa malasakit na patuloy na ipinapakita ng ating Pang. Marcos, Jr, Speaker Romualdez, Cong. Maceda at Mayor Honey Lacuna sa mga Manileño na sa kanilang kalagayan na kapus ang kita ay patuloy pa ring ang dedikasyon at paglilingkod sa barangay tulad ng mga tanod at day care workers. (ANDI GARCIA)