Mayor Honey, binati ang MCCRO sa tagumpay ng digitization ng records mula 2019 pataas
Advertisers
BINATI ni Mayor Honey Lacuna ang Manila City Civil Registry Office (MCCRO) sa pamumuno ni Encar Ocampo dahil sa matagumpay na digitization ng nito mula 2019 pataas.
Plano din ni Lacuna na ianunsyo ang kapareho nito para sa records 2019 pababa, dahil sa layunin ng proseso na maging mas madali at mabilis ang paghahanap ng records.
Ang MCCRO ang tagapagtago ng records katulad ng birth certificates, death certificates at marriage certificates.
Sinabi naman ni Ocampo na nasa kanilang kustodya din para ingatan ng kanilang tanggapan ang court decrees regarding annulment, adoption, legitimation, correction of entries, acknowledgement, pre-nuptial at oaths of allegiance.
Ayon naman kay Lacuna, ang mga naghahanap ng records mula 2019 hanggang kasalukuyan ay bibigyan ng kopya kaagad, ito ay dahil sa digitization ng records para sa nasabing period ay kumpleto na.
Sa oras na maberipika na may kopya ang MCCRO, ang kliyente ay makakakuha ng certified true copy (CTC) kaagad at ang kliyente ay makakauwi kaagad ng may hawak ng kopya ng kailangan niyang record.
Kung nakarehistro at ang dokumento at na-digitized ang imahe nito, agad na gagawa ng kopya kapag naberipika na ito, para kung sakaling kontakin ng kliyente ang MCCRO ito ay mayroon ng kopya na handang ibigay. Sa ganitong paraan ang kliyente ay di na kailangan na bumalik sa City Hall at i- schedule ang release ng dokumento na kailangan nila.
Nabatid kay Ocampo na tanging ang mga records na hindi pa naipasok sa digitized system ang kailangang maghintay.
Sinigurado nito kay Lacuna na ang digitization ng records na mas nauna pa sa 2019 ay ginagawa na.
Ayon pa kay Ocampo, ang records for certain years ay na-scanned at na-indexed para madaling makuha. (ANDI GARCIA)