Advertisers

Advertisers

PCCA, CGHMC nagpahayag ng buong suporta sa administrasyon ni Mayor Honey

0 22

Advertisers

ANG mga opisyal ng Philippine Chinese Charitable Association (PCCA) at ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) ay nagpahayag ng buong suporta sa administrasyon ni Mayor Honey Lacuna, ito ay kasabay ng muling pag-affirmed ng kanilang commitment sa mas malalim na partnership.

SINAMAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang officers ng Philippine Chinese Charitable Association (PCCA) at Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) sa thanksgiving dinner na hinost ng city government. Kabilang sa larawan sina (right) GMHC President at CEO Kelly Sia at PCCA Board Chairman Antonio Tan at (fourth from right) City Administrator Bernie Ang and (from left) Ospital ng Maynila Director Dr. Karl Laqui at CGHMC Associate Medical Director para sa Charities and Missions and Eye Center head Dr. George Go, Jr. (JERRY S. TAN)

Sa isang thanksgiving dinner kung saan ang lungsod ang host, pinasalamatan ni Lacuna ang PCCA at CGHMC sa kanilang patuloy na suporta at hindi matatawarang pag-alalay sa lahat ng mga undertakings ng local government over sa mga nakalipas na panahon.



“You have been our partner for the longest time, for as long as I can remember, through the leadership of Dr. James Dy, who happens to be our “Ninong” in our wedding,” sabi ng alkalde. Si Dy ay nagsilbi bilang pangulo at chief executive officer (CEO) CGMH sa matagal na panahon hanggang sa pagpanaw nito noong isang taon.

“Here’s hoping for more years of fruitful partnership with the Chinese General Hospital. Your board has already promised a lot, especially training for our medical staff and cath lab. Marami pong salamat at sana ay ‘wag kayong magsasagwa,” dagdag ni Lacuna na isa ring doktor.

Bilang tugon, pinasalamatan ng bagong Pangulo at CEO ng CGHMC na si Kelly Sia ang alkalde at city administrator Bernie Ang para hindi matatawarang suporta ng lungsod at partnership sa organisasyon sa mahabang panahon, sinabi nito na “it is through this collaborative spirit that we have been able to enhance healthcare accessibility and transform lives.”

Naroon din sina CGMHC Vice President Juanito Ang, Associate Medical Director for Charities and Missions at Eye Center head Dr. George Go, Jr., Medical Director Dr. Samuel Ang at Ospital ng Maynila
YTDirector Dr. Karl Laqui.

Si Sia ay nangako ng kanyang tulong sa Lungsod ng Maynila sa lahat ng paraan.



“Together, we can make a tangible difference in the lives of our fellow Manileños,” sabi ni Sia at idinagdag na ang kanilang vision para sa kinabukasan ay umiinog sa partnership at paglilingkod sa pamayanan.

“In closing, I want to once again express my gratitude to Mayor Lacuna…your unwavering support fuels our commitment to excellence and motivates us to reach even greater heights. Let’s continue to join hands in shaping a healthier and brighter future together,” dagdag ni Sia.

Ito rin ang isinatinig ni PCCA board chairman Antonio Tan, na nagsabing ang generous gesture ni Mayor Lacuna at City Administrator Ang sa pagho-host ng event ay nagtatampok sa cooperation, collaboration at mutual respect na “crucial in inspiring us to continue our community service in Manila.”

“It is through partnerships like this that we can make an impact on those we ain to serve. In return, the PCCI wishes to affirm its commitment to the leadership and progress of the city,” Sabi ni Tan

Idinagdag pa nito na : “We are more than willling to extend any necessary assistance ensuring that together, we can tackle the challenges that lie ahead …hand -in- hand for a brighter future for the Manilenos.” (ANDI GARCIA)