Advertisers

Advertisers

2 tulak , timbog sa P166K shabu sa Malabon

0 16

Advertisers

ARESTADO ang dalawang tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng mahigit P100,000.00 shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang mga suspek na sina alyas Arthur, 61; at alyas Romnick, 34, kapwa ng lungsod.



Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), ikinasa ang buy bust operation sa mga suspek dahil sa natanggap na impormasyon sa  illegal drug activities ng mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 24.5 grams ng shabu na may standard drug price value na P166,600.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">