Advertisers
Ni Rommel Gonzales
NANALONG Best Actress si Rebecca Chuausun para sa papel niyang Jewel Ouyang sa pelikulang Her Locket sa 2023 Festival International du Film Transsaharien de Zagora sa Morocco.
Nitong nakaraang taon ay isa ang Her Locket sa dinala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Marche´ du Film 2023, ang business arm ng prestihiyosong Cannes Film Festival na ginanap sa France mula May 16- 27, 2023.
Mula sa Rebecca Chuaunsu Film Production in cooperation w/ Rebelde Films, ang pelikula ay sa direksyon ni J. E. Tiglao at isa sa mga full-length film entries sa Sinag Maynila Film Festival 2024 na gaganapin mula September 4-8, 2024 sa ilalim ng Solar Pictures, ng festival director na si Brilliante Mendoza at ng City of Manila.
Pinakabuod ng pelikula na si Rebecca ang producer, tungkol sa isang locket necklace na naging dahilan upang ang isang babaeng Chinese na may dementia ay unti-unting manumbalik ang mga alaala ng nakalipas.
Kasama ni Rebecca sa pelikula sina Elora Espan¨o, Boo Gabunada, Sophie Ng, at Benedict Cua.
Nasa Her Locket din sina Francis Mata, Zoey Villamangca, Nellie Ang See, Rolando Inocencio, Atty. Kesterson Kua, Angela Villarin, Ashlee Factor, Jian Rapolles, Tommy Alejandrino, Norman Ong, Matthew Seaver Choy, Atty. Allan Jao, Roberto Uy Kieng, George See at Dr. Philip Tan Gatue.
Ang movie ay isinulat nina J.E. Tiglao at Maze Miranda, ang assistant director ay si Roderick Goot, cinematography ni Jag Concepcion at production design ni James Rosendal.
Line producer nito si Jane Danting, production manager si Laugelie Gadon, with Sarah Pagcaliwagan Brakensiek and Ferdinand Lapuz as producers, with Dr. Rebecca Shangkuan Chuaunsu as the executive producer.
Bukod sa 2023 Festival International du Film Transsaharien de Zagora sa Morocco at sa Marche´ du Film 2023 na business arm ng prestihiyosong Cannes Film Festival sa France ay naging participant din ang Her Locket sa London East Asia International Film Festival sa UK, sa 22nd Dhaka Film Festival sa Bangladesh at sa Wu Wei International Film Festival sa Taiwan.
Naimbitahan din ito sa San Diego Film Festival sa Amerika sa Oktubre, 2024.