Advertisers

Advertisers

Mangliwan 8th sa Paralympics men’s 400m T52 race

0 7

Advertisers

NAGTAPOS na pang-walo at pinakahuli ang Filipino racer na si Jerrold Mangliwan may oras na isang minuto at 4.55 segundo sa Paralympic Games men’s 400-meter T52 event sa Stade de France Biyernes ng gabi (sabado ng umaga sa Pilipinas)

Pang seventh place siya sa walong qualifiers sa oras na 1:05.79 sa heats.

Ang gold medal ay napunta sa reigning world champion Maxime Carabine ng Belgium, na nagwagi sa 55.10 seconds.



Tokyo Olympic gold medalist Sato Tomoki nagkasya sa silver medal (56.26) habang ang kanyang kababayan Ito Tomoya nasilo ang bronze (1:01.08).

Sa Les Invalides shooting range, nabigo ang para archer Agustina Bantiloc kay Jane Karla Gogel ng Brazil,143-127 (25-29, 28-29, 24-29, 27-29, 23-27), sa opening knockout round ng women’s individual compound event para mawala sa contention.

“He was slow in the first 150 meters. Only in the last 250 meters did he recover and almost caught up with the one who took seventh place,” Wika ni coach Joel Deriada sa kanyang pahayag. “Jerrold also told us that he had a tough start. He offered no excuses. He knows that there is more he can do but that didn’t happen. In practice, he already clocked 1:02 and 1:03.”

Sa 2023 Hangzhou Asian Para Games, Mangliwan ay may personal best na 1:01.35 sa parehong event.

Sa Tokyo 2021, Mangliwan ay na disqualified sa pagtawid sa maling lane malapit sa finish line.



Si Mangliwan ay may isa pang event, ang 100-meter T52 race. Ang heats ay nakatakda sa Setyembre 5 at ang finals kinabukasan.