Advertisers

Advertisers

Pamilya Villar, delinquent taxpayer daw?

0 385

Advertisers

SA isang news item, April 4. 2024 ng PhilStar, ito ang sinasabi: Real estate and retail tycoon Manuel Villar has maintained his position at the top of the country’s richest list.

The chairman of the Villar Group sustained his spot as the country”s wealthiest man in the Forbes 2024 World Billionaires list, ranking 190 with a net worth of $11 billion, Villar as the only Filipino who made it to the top 200.

Wow, kudos, Mr. Manny Villar na kasing tunog ng “Money, money!”



Alam natin, mister ni outgoing Sen. Cynthia Aguilar Villar si Mr. Money; tatay siya ni Sen. Mark A. Villar at ni Las Pinas City Rep. Cong. Camille A. Villar — na tatakbong senador sa tiket ni PBBM; at biyenan si Mr. Billionaire ng dating DOJ Undersecretay Emmeline Aglipay-Villar na misis ni Sen. Mark.

Now, eto ang shocking, kasi kahit umaapaw sa bilyones US dollars, alam nyo ba, may unpaid real property taxes (RPT) o amilyar na halagang PhP151-milyon ang pamilyang ito na pawang bilyonaryo sa piso at dolyar, totoo kaya ito?

Kung totoo po ito, kadiri naman, kasi bilyonaryo pero ayaw o hindi nagbabayad ng buwis sa kanilang mga properties sa Las Pinas City — na kanilang “kaharian.”

Ah, baka feeling monarch, king, queen at royalty kaya walang pakialam na magbayad ng buwis.

Mga hampas-lupa lamang ang dapat magbayad, pero sila — no way!



Opo, hot topic ngayon sa Las Pinas City na gusto ni Ma’am Cynthia siya ang maging mayor at kahit pamangking buo, lalabanan upang magpatuloy sa kapangyarihan.

Knowing ba nyo, mga hampas-lupa ng Las Pinas na umabot na sa PhP213.5-million ang unpaid taxes ng wealthiest family ng Pilipinas dahil sa interest, penalties at iba pa.

Bilyonaryong dugyot at kuripot sa pagbabayad ng buwis ang pamilyang ito, aba, nakakahiya ito, mga hampas-lupa ng Las Pinas City at ng buong Republika ng Mamayang Pinoy.

So kapal ng mga mukha nila, opo at ang balitang ito ay kinumpirma — so hindi fake news o tsismis lamang — ni 1st District Councilor at Minority Floor Leader Mark Anthony Santos na mula pa November 2022 ang utang na PhP151.8-million ng pamilya Villar sa city government.

Aba, pag ordinaryong tao, pag hampas-lupa ang may utang na ganyang kalaki, tiyak na hahabulin na ng city government at ipasusubasta para mabawi ng gobyerno ang utang sa di-bayad ng RPT o amilyar.

Pero dahil kamag-anak at hari-harian ang pamilyang Aguilar at Villar sa Las Pinas City, e sino ba ang maglalakas loob na maningil sa mga honorables public servants daw?

Kung taga-Las Pinas ka at matapat na nagbabayad ng buwis every year, kukulo ang bahay-ebak mo sa galit, kasi, sabi ni Konsehal Santos, mula nang maipasa nila noong 2022 ang Collection of Delinquent Real Property Taxpayers na P213.5 milyon sa limang kumpanya ng Villar Family, patay-malisya na ang utang at patuloy na hindi binabayaran.

Ay, sumumpa pa naman ang mga kagalang-galang na senador, kongresista na magiging matapat na mamamayan at magiging masunurin sa batas, pero sa inaasal nila, ano sila — law offender po ba ang dapat itawag sa kanila?

Hindi lang si Konsehal Santos ang nagtatanong, nagtataka at nakukunsume, sa pagiging suwail na taxpayers ang pinakamayamang pamilya ng Pilipinas at nasa Top 200 billionaires sa buong mundo.

Bakit natin sinabing dugyot at kuripot, kasi isang Romeo Sabater, na kinatawan ng Villar’s Britanny Corp. ang nakiusap na ang babayaran lang muna nila ay PhP47.1- million sa ilalim ng walong tax declaration number.

Umabot na sa PhP90.5-million na unpaid RPT tax ng Britanny sa loob ng limang (5) taon, sa tuos ng city government, naman, bilyonaryo, nagkukuripot ang mga Villar, at eto pa, si Aling Cynthia po ay nagbabalak na tumakbong mayor o kongresista ng Las Pinas sa midterm May 2025 elections.

Aba, kung manalong mayor o congresswoman si Mrs. Manny Villar, alam na natin kung ano ang mangyayari sa di-nababayarang mga utang, wag naman po sana.

Eto pa ang shocking: si Momar Santos na kawani ng Sipag at Tiyaga Foundation, Inc., ay nag-request na i-waive o alisin na ang PhP P22.5 million real property taxes ng kompanyang ito ng mga Villar.

Ayon kay Konsehal Mark Anthony Santos, umabot na sa PhP48-millon ang unpaid taxes ng Villar Sipag sa Tiyaga Foundation, Inc. sa loob ng 10 taon.

Naku naman, talagang delinquent o recidivist o nakasanayan nang ayaw magbayad ng utang ang bilyonaryong pamilyang Villar.

Nakakahiya po ito sa ordinaryong hampas-lupang taxpater ng Las Pinas City at ng buong Pinas.

E, ang pamilya Villar ang may-ari ng pinakamalaking housing and subsivision developer sa bansa, ang Vista Land; at shopping developer din sila, ang Starmalls Inc. at marami pang real estate developer tulad ng Crown Asia, Golden Bria na nagtatayo ng mga condominium.

Bilyonaryo nga, pero humingi pa ng tax amnesty at nais na i-waive ng Villar family ang mga penalties, surcharges sa utang nila sa amilyar.

E ang kawawang may-ari ng sari-sari store, street vendor, mahihirap na pamilyang baon pa sa utang sa hulugang bahay ipinagawang subdivision ng Villar, ano ang ginagawa pag hindi makabayad ng hulog o ng utang sa amilyar?

Demanda at pananakot na iilitin ang pinaghirapan ng dugo at pawis, pero ang pamilya Villar, pakembot-kembot lang at malakas ang loob na humingi ng amnesty at i-waive o wag nang habulin ang mga interes at penalty sa di-nababayang utang.

Ito ang hamon ni Konsehal Santos sa pamilyang bilyonaryo: Pay your taxes na Php151.8 million sa city government.

Pag nagbayad na, saka pag-usapan ang tax amnesty.

E, hanggang ngayon, sabi ni Konsehal Santos, matigas ang sikmura ng pamilya Villar sa pag-ayaw na magbayad ng RPT, kaya pwedeng ikapit na tawag sa kanila ay ano: Delinquent tax payers!

Sa salitang kanto, ang tawag sa ayaw o tumatangging magbayad ng utang ay ano — balasubas!

Pero dear readers, hindi naman ganoon ang pamilya Villar, kasi yakang-yaka nila na magbayad kahit one billion pesos pa ang utang.

Sana all!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.