Advertisers
Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency, at Mabalacat Police, ang notorious drug pusher, Daang Bakal South, Barangay San Joaquin, Pampanga, Linggo ng gabi, Setyembre 1, 2024.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Vhince Haronie Mendoza, 27-anyos na kabilang sa regional target ng PDEA-3 habang arestado rin ang kasamahan nito na si Mary Rose Fajardo 29-anyos.
Nakumpiska mula sa mga suspek, ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00 at 2 gramo ng marijuana, assorted drug paraphernalias at marked money.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa section 5, 11 and 12 article ll ng republic act 9165.(Thony D. Arcenal)