Advertisers

Advertisers

HAWI BOYS NI YULO

0 8

Advertisers

PAALALA sa mga handler ni golden boy Carlos Yulo.

Huwag masyadong ilagay sa ulo ang pagiging instant superstar ni Caloy.

Grabe na ang pagka-OA ng pagprotekta sa bata.



Kahit gaano siya katayog ngayon, huwag siyang ilalayo sa mga taong instant niyang tagahanga.

Kabi-kabila ang mga imbitasyon sa ating bagong bayani na mga parangal, pamigay ng insentibo at press presentations.

Kahit na dumaan na sa over na inspection sa mga gamit at bag kaya salado na ang mga taong nakapasok sa galeriya pero di na malapitan ang instant celebrity at ang mga HAWI BOYS ngayon ni little big man Yulo ay sobrang overacting. Mistulang head of state o diplomat ang pagprotekta nila kaya di na makalapit sa superstar na mismong siya ay di naman nagbabago ang ugali at nagtataka na sa pangyayari di na siya makagalaw ng normal.

Parang buhawi kung humawi ang mga linsyak na howitzer na hawi boys at nanuot na sa kukote nila na pati media ay turing nilang fans o spectator lang gayong ang press ang instrumental sa nagpasikat at nagpalaki sa pangalan ng batang Leveriza lang noon.Mga OA …Kayo ang nagpapalaki ng ULO ni YULO!

Noon kapag narinig mo ang katagang Yulo ay tiyak na mula sa buena familya na angkan ng sugar barons mula Canlubang, Laguna.Super yaman ang mga Yulo noon hanggang sa ngayon.



Pero may isang Yulo na mula lang sa simpleng buhay.Di siya isang Yulo na isinilang na ginto ang kobyertos.

Mula siya sa pamilyang namuhay hindi sa hacienda kundi sa mataong lugar sa Leveriza sa Maynila kung saan pati bulong ng kapitbahay ay dinig ng punong-tenga.

Pero sadyang iginuhit ng tadhana.

Ang batang ‘Paraiso’ sa Malate, Maynila noon ay isa nang gymnastics double gold medalist sa nakaraang Paris Olympics.

Sa multi- milyong pabuya na natanggap niya mula sa gobyerno, pribado at corporate sectors and counting,super yaman na siya tulad ng mga haciendero sa Laguna.

Dahil sa Olympic double gold, ginto na rin ang kanyang cuchara.

Bayani siyang umuwi sa Pilipinas natural na pagkakaguluhan siya ng masang tagahanga.

Pero ang mga nakapaligid sa kanya ngayon na utak ‘mob’ ay sumobra.

Di na makagalaw ng karaniwan ang ating bida sa palakasan.

Baka kahit tapos na ang euphoria ay todo guwardyado pa rin siya at di na makaensayo pa kaya sa abroad na siya uli titira.

Si Yulo ay di Pangulo na kailangang kordonan.Sports idol siya na kailangang interact sa tagahanga.Walang mananakit – pisikal sa kanya para payagan ang sobrang dikit na bantay.

Normal lang dapat tulad ng trato sa unang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz dahil lahat ng ningning ay lilipas din.

Si Carlos Edriel Yulo ay di dapat lumaki ang ulo dahil sa mga epal na alipores nito…MISMO!

Lowcut: Hindi dapat solohin ni GAP head Carrion ang kredito sa tagumpay ni Yulo.Maraming unsung hero ang humubog sa talento nito bago siya dumating sa buhay ni Yulo ay hinog na ito.Alamin!