Advertisers
Dahil sa pagdedepensa ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa kaniyang dating ECONOMIC ADVISER na si MICHAEL YANG ay nababahiran ngayon ang INTEGRIDAD sa inilunsad noon na WAR ON DRUGS base sa mga pagsisiwalat ng ilang dating TOP POLICE OFFICIALS na ang na-raid na SHABU WAREHOUSE sa PAMPANGA ay sangkot itong CHINESE BUSINESSMAN.
Sa isinasagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING ay tahasang itinuro ni dating COL. EDUARDO ACIERTO na si YANG ay Isa sa INCOPORATOR ng EMPIRE 999 REALTY CORP na nagmamay-ari ng WAREHOUSE na naglalaman ng mahigit P3 bilyong halaga ng SHABU.
Lumalabas na itinago ni YANG ang tunay niyang pagkatao na dahil sa naging pagdedepensa sa kaniya ni EX-PRES. DUTERTE ay napakalaking epektong negatibo ito sa pananaw ng sambayanan dahil sa mga naging rebelasyong sa mga pagdinig ng CQC.
Mga ka-ARYA.., etong si MICHAEL YANG na ang kaniyang CHINESE NAME ay YANG HONGMING ay halos 20-taon nang residente sa ating bansa sa DAVAO CITY, na pagmamay-ari nito ang DAVAO CITY LOS AMIGOS (DCLA); member ito ng PHILIPPINE CHINESE CHAMBER OF COMMERCE LABUAN; EXCUTIVE DIRECTOR ng PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE; VICE-CHAIRMAN ng CHINA-PHILIPPINES FRIENDSHIP at MANAGING DIRECTOR ng FUJIAN NORMAL UNIVERSITY.., ay nasasangkot din ito sa PHARMALLY SCANDAL na ang puhunan ay wala pang isang milyong piso pero ito ang pinagbigyan ng project na mag-supply ng bilyong pisong halaga ng medical supplies noong COVID-19 PANDEMIC.
Sa naging mga pagsisiwalat ng RESOURCE PERSONS sa CQC ay nalalantad ang CRIMINAL ACTIVITY ni YANG sa larangan ng ILLEGAL DRUGS.., na bagama’t patuloy nitong pinasisinungalingan ang mga akusasyon dagdag pa ang ginagawang pagdedepensa ni EX-PRES. DUTERTE ay nagbabadya ito sa kawalang-hustisya ng nakaraang administrasyon.., dahil huwad ang inilunsad na TOKHANG o WAR ON DRUGS na ang reyalidad ay ang MAKOPO ang ILLEGAL DRUG TRADES sa ating bansa.
Ang ILLEGAL DRUG TRADE na ito ang lumikha ng kriminalidad at namayagpag ang kurapsiyon na siyang umubos sa mga pondong dapat ay nagamit sa serbisyong sambayanan.
Sa larangan ng TRANSPARENCY at ACCOUNTABILITY ay karapatan ng sambayanan na malaman kung sino-sino ang mga nag-abuso sa kanilang mga kapangyarihan o hawak na posisyon kabilang na ang naging PHILIPPINE PRESIDENT.., na kung nag-abuso ang mga ito ay dapat lang na mapanagot.
Habang isinasagawa ang pagsisiyasat ng CQC ay napakahalaga sa lahat ng mamamayan na maging mapag-obserba, mapagbantay at maging bukas ang ating kaisipan sa pag-aanalisa kung tunay nga bang nilabanan ang mga kriminalidad at katiwalian sa ating bansa.., at kung ang ating mga pinagkatiwalaang GOVERNMENT OFFICIALS ay nagsilubog sa postura ng mga katiwalian ay marapat lamang na ipataw ang kaparusahan para sa pagpapairal ng TRUE JUSTICE SYSTEM sa ating bansa!
Ika nga.., ang sambayanan ay dapat na suportahan ang isinasagawa ngayon ng CQC at igiit na mapanagot ang lahat ng mga nasasangkot sa iba’t ibang kriminalidad kabilang na si EX-PRES. DUTERTE.., na kailangang maisilbi ang hustisya at matiyak na ang ating bansa ay nananatili sa pagpapairal ng RULE OF LAW!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.