Advertisers

Advertisers

KABAYANIHAN NATING LAHAT

0 11

Advertisers

National Heroes Day kahapon, na sa Tagalog ay ‘Pambansang Araw ng mga Bayani’, at ating ginugunita tuwing huling araw ng Lunes sa buwan ng Agosto.

Ito ay para alalahanin na rin natin at bigyang pugay ang mga nagawa at paghihirap ng mga una nating mga bayani na nagbigay kalayaan sa ating Inang Bayang Pilipinas.

Isa rin itong pagdiriwang para sa mga ating mga ‘modern-day heroes’, kabilang riyan ang mga kababayan nating mga, Overseas Filipino Workers, frontline workers na naisalba tayo sa Covid-19 pandemic.



Ang bansa natin ay hitik sa kabayanihan ng mga mamamayan nito, mula pa noong unang mga panahon, o mula pa sa Mactan kung saan ang bayani nating si Lapu Lapu ay talagang lumaban para sa kalayaan at pananakop ng mga Kastila hanggang sa mga haligi ng Malacañang.

Ang ating mga bayani, kilala man o hindi, ang laging nagpapa-alala sa atin na ang kabayanihan ay di lamang nagagawa ng iilan, kung di, ay dapat laging taglay natin sa ating mga puso at isipan bilang mga Filipino.

Ang diwa ng kabayanihang iyan, gaya ng kay José Rizal, na gamit lamang at pinatunayang ang panulat ay mas matalas kaysa sa espada ay tumatak sa ating mga puso. At nagmulat sa ating mga kababayan nang mga panahong iyon.

Talon tayo sa mga panahong inabot na natin. Mula kay
“Ninoy” Aquino Jr., hanggang sa kasalukuyang itinuturing na rin nating mga bayani gaya ng mga Olympian nating sina
Hidilyn Diaz at Carlos Yulo, na nagbigay din sa ating Inang Bayan ng katanyagan, dahil sa kanilang pagsisikap at pagtitiyaga upang makapag-kamit ng gibtong medalya para sa bayan, ay kabayanihan na ring maituturing.

Ganun din ang mga nabanggit kong mga bayaning mga frontliners noong pandemic, ang mga nasa ating mga silid paaralan, sa ating mga bukirin at karagatan, pati na ang nga ordinaryong mamamayang nag-aalay sa atin ng kanilang serbisyo o paglilingkod. Lahat sila ay maituturing nating mga bayani.



Di lamang katapangan ang kailangang ibahagi para tayo ay maging mga bayani, ang ating pagsisikap, ang ating paghihirap at pagtitiyaga sa paglilingkod sa bayan at kapwa ay isang katangian na ng isang tunay na bayaning Filipino.

Nasa ating puso at isipan iyan, ang maglingkod sa kaowa at bayan. Yan ay naipapakita ng bawat isa sa atin sa pamamagitan ng ating katatagan sa gitna ng kahirapan o mga sitwasyong nagbibigay sa atin ng suliranin o kapahamakan.

Yan tayong mga Filipino, taglay ang dugo ng ating mga bayani.