Advertisers

Advertisers

Korean actor na pumirma ng kontrata sa GMA, si Barbie ang bet makapareha

0 21

Advertisers

Ni Rommel Placente

ANG South Korean actor na si Kim Ji Soo ay isa nang certified Kapuso matapos pumirma ng kontrata sa Sparkle talent management kung saan ilang acting projects ang nakatakda niyang gawin.

Mas nakilala ng viewers si Ji Soo nang magkaroon siya ng special participation sa hit Kapuso action-drama series na Black Rider at dahil nga rito, napamahal na agad siya sa mga Filipino kaya naman hindi na siya pinakawalan ng GMA 7.



Sa panayam sa Korean star after ng kanyang contract signing bilang Kapuso ay natanong siya kung sino sa mga female celebrities ng network ang gusto niyang makatrabaho sa next projects niya. Ang sagot niya,”I want to work with her because she is a good actress. I’ve watched her few acting scenes, and she’s a really good actress,” sabi ni Kim Ji Soo.

Ang tinutukoy ng K-Drama actor ay ang GMA Prime series na “Pulang Araw” na si Barbie Forteza na gumaganap bilang si Adelina Dela Cruz, na isang bodabil actress, at kapatid ng karakter ni Alden Richards.

***

NAMAALAM na ang batikang television anchor na si Henry Omaga-Diaz sa “TV Patrol” makalipas ang mahigit tatlong dekada.

Nakatakda na kasi siyang manirahan sa Canada kasama ang kanyang pamilya.



Noong Biyernes, August 30, ang huling appearance niya sa nasabing news program bilang mainstay anchor kasama sina Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, Gretchen Fulido at Ariel Rojas.

Mensahe sa kanya ni Karen, “Ang Panginoon may plano para sa ating lahat at ang bilib ako sa ‘yo is you take it with such grace.”

“Ang hindi alam ng marami, on and off camera, ang bait-bait mo. Wala kang masamang tinapay sa kahit kanino sa katrabaho mo, napaka-humble mo, Henry, wala kang dalang yabang,” aniya pa.

Saad naman ni Noli, “Good luck, Henry. Nag-usap na tayo kung ano’ng gagawin mo habang nasa Canada ka. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako.”

Nagbigay rin ng farewell message si Henry upang lubos na pasalamatan ang kanyang mga katrabaho, lalo na ang co-anchors.

“Grabe po ang naging suporta ng ating mga kasamahan sa newsroom, hanggang sa pag-edit ng script, sa video…‘Yun ang pinakamagandang feeling eh, ‘yung mga colleagues, nakikita mo mismo ‘yung pagmamahal sa kanila,” sey niya.

Sa isang recorded message, ramdam na excited na ang kanyang misis na si Gigi na makapiling siya abroad.

“Finally, the day has come after a very long wait. You will now be joining me here in Canada,” sambit ni Gigi.

Dagdag niya, “I know it was a tough and difficult decision for you to leave something that you’re most passionate about—the things that you love to do most—and have dedicated your entire career to your Kapamilya. But with God’s blessing, I’m sure you will find ways and opportunities for you to share your stories here.”

“This is home and we are happy and excited for you to be here. See you soon,” sey pa ng misis ng veteran anchor.