Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa Navotas

0 6

Advertisers

Arestado ang dalawang drug suspect na nagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit sa lungsod ng Navotas.

Kinilala ang mga suspek na sina Alias Emon, pusher/listed, 31, ng Navotas City; at Alias Jolina, pusher/listed, 54, ng lungsod.

Ayon kay Navotas police chief PCol .Mario Cortes, 3:27 ng madaling araw ng September 3, 2024, nang maaresto sa M. Naval St, Brgy. Sipac Almacen, Navotas City, ng mga tauhan ng SDEU ang mga suspek.



Tinatayang nasa 10.65 ng shabu na may (SDP) standard drug price na P72,420.00 ang nasamsam sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 ang mga suspek na nasa custodial facility ng NCPS.(Beth Samson)