Advertisers
MALAKI ang problema ngayon ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio. Bakit?
Aba’y pinababalik lang naman ng Commission on Audit (CoA) ang P12.3 billion “misused funds” mula 2023 kungsaan nanungkulan na kalihim ng Department of Education si Inday.
Uulitin ko: P12.3 BILLION! Taxpayers money po ito, mga pare’t mare. Oo! Pera nating pinag-ambag-ambagan para sa mga programang pambayan, pero ginastos sa kung saan!!!
Sa halagang ito, sabi ng CoA, ang P10.1 billion ay ginamit bilang “expenses” na itinuring ng CoA na “doubtful legality, validity, or propriety”, habang ang P2.2 billion ay nilustay sa hindi dapat pagkagastusan. Animal!
Talagang tambak na problema ang kakaharapin ni VP Sara sa paglustay sa pondong ito ng DepEd. Paano n’ya kaya ginastos ang ganito kalaking halaga? Explain it, Inday!!!
***
Bato bato sa langit ang tamaan ‘wag magalit. Gets niyo?
Kaso itong Bato na ‘to ay tila wala sa langit. Ang dapat dito kay Bato Dela Rosa ay mamalagi sa naglalagablab na apoy ng impiyerno kasama ng amo niyang si Digong Duterte.
Ang lakas din maka-demonyo ni ‘Tay Digong. Biro niyo, gamitin ba naman ang prestihiyosong Philippine National Police (PNP) sa pagpapalaganap ng lagim.
Aba’y gawin ba namang sindikato ‘yong PNP para maubos ang lahat ng kakompetensiya ni ‘Tay Digong at ng mga kaalyado niya sa pagpapakalat ng iligal na droga, hindi lang sa Davao kundi isa buong Pilipinas.
Sa nakarang pagdinig ng Quad Committee, isiniwalat ng iba’t ibang testigo ang kasangsangan ng pagkatao ni Digong. Ayon kay Kernel Espenido, siya ay inutusan ni Bato na linisin ang Albuera, Leyte at Ozamis City. Malamang hindi literal na paglilinis ang gagawin. Ang ibig sabihin ng “linisin” ay gawin ang lahat ng kailangan gawin upang maubos ang lahat ng sangkot sa iligal na droga – kasama na roon ang pagpatay sa lahat ng makakasalamuha ni Espenido. Ang kaso, may mga pinoprotektahan pala itong mga demonyong ‘to, at ginagamit nila ang PNP para magsilbing bantay at protektor ng mga sangkot sa iligal na droga. Noong malapit na mabuking ni Espenido, biglang ipinalipat ni Bato ang magiting na Kernel sa ibang lugar para doon siya magpakahirap at mamatay. Siyempre lahat nang ito ay may basbas ni Tatay. Mismo!
‘Di lang iyon ang karumaldumal ng ginawa ni ‘Tay Digong ha? Ayon sa mga testigong humarap sa Quad Committee, inatasan ng sugo ni ‘Tay Digong ang dalawang preso na patumbahin ang tatlong Intsik na sangkot sa iligal na droga sa loob ng Davao Penal Colony kapalit ng isang milyon (o isang manok) kada ulo at maagang paglaya. Matapos gawing dinuguan ‘yong tatlong Tsekwa, ikinulong sila ng mas mahabang panahon at kulang ang binigay sa kani-kanilang maybahay. Gawaing mandurugas talaga, e ano?
Saan naman manggagaling ung perang pabuya at ginagamit para sa operasyon ng mga pulis? Kay “Bong” daw!
Ayon kay Espenido, si Bong ang tagapamagitan sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) at sa PNP. Siya ang kumokolekta ng pera mula sa mga POGO na ginagamit para sa sindikatong pinamumunuan ni ‘Tay Digong.
Kung hindi pa nagkaroon ng Quad Committee, hindi pa malalaman ng sambayanang Pilipino na nakakarindi pala ang mga gawain ni Digong, Bato at Bong. Dapat talaga pasalamatan ang mga bumubo ng Quad Committee na sina Cong. Ace Barbers, Cong. Dan Fernandez, Cong. Caraps Paduano, Cong. Bienvenido Abante, Cong. Romeo Acop, Cong. Dong Gonzales, at Cong. Jinky Luistro. Magigiting nilang tinatapat at iniimbestigahan ang krimen na kinasasangkutan o iniutos ng nakaraang presidente. Kita naman sa mga pagdinig na wala silang kinikilingan at layunin lamang nilang palabasin ang totoo at pananagutin ang mga may sala – kahit na mismong ang nakaraang presidente, nakaupong senador at kongresista, o kung sino pang malawak ang impluwensiya ang masangkot dito. Saludo ako sa inyo, mga Cong!!!