Advertisers
May kabuuang P2.67 billion na pondo na nilaan ang Department of Social Welfare and Development para sa relief resources partikular sa panahon ng kalamidad na nararanasan ngayon.
Ito ay sa harap ng pananalasa ng Bagyong Enteng at Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa Presidential Communications Office, may nalalabi pang P65.56 million na standby funds ang DSWD at P2.6 billion naman para sa food and non-food items.
Bukod pa ito sa mahigit P16 million na inisyal na tulong na naipaabot na sa mga apektadong lugar.
Nasa kabuuang 767 na barangays ang apektado ng Bagyong Enteng at Habagat sa regions II, III, V, VI, VIII, VII, CALABARZON at NCR.
Batay sa datos ng DSWD nasa 80,078 pamilya o nasa 303,938 indibidwal ang apektado ng ENTENG at Habagat.
Umaabot naman sa 60,202 individuals o nasa 14,607 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa 441 evacuation centers.
Bakit kasi nahirati nang ganito ang tugon ng gobyerno sa perennial problem ng pagbabaha at landslides tuwing may bagyong mananalasa sa bansa.
REACTIONARY ang programa ng gobyerno sa halip na preventive.
Hindi na tayo natuto sa mga nagdaang karanasang pinagbuwisan ng maraming buhay at pinsala sa mga ari- arian.
Kalabisan na ring banggitin pa ang allocated na pondo para sa flood control projects ng gobyerno na umaabot ng bilyun- bilyong- piso sa mga oras na ito kung saan nasa peligro ang buhay ng marami sa ating mga kababayan.
Ang sa atin lamang,hanggang kailan mananatili tayong ganito sa pagharap ng mga kahalintulad na krisis.
Ang masakit lang,ayon sa ipinagmayabang ni Marcos Jr. nitong huling SONA niya sa Kongreso, 97 percent na umano ang completion ng multi- billion peso mega flood control projects ng kanyang administrasyon para sa pagtugon sa problema sa malawakang pagbaha.
Pero ano itong nararanasan natin ngayon?
Empty promises na naman ba o isang nabuko o nabistong kasinungalingan?
Kailangan pa bang kalikasan na ang gumawa ng paraan para matuklasan ang malaking panlolokong ito sa taong bayan?
Inanod na nga ba nang rumaragasang baha ang bilyong- piso pondo para sa flood control projects?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com