Advertisers

Advertisers

Liga Director Ch. BBM tuloy sa kawanggawa kahit bumabagyo!

0 41

Advertisers

WALANG bagyo ang makakapigil sa Liga ng Barangay Director at Bgy. 497 Chairman Bong Bong Marzan o lalong kilala bilang BBM ng Sampaloc sa pagsasagawa nito ng kawanggawa kasama sina Mayor Honey Lacuna at Dist. 4 Congressman Ernest Maceda.

Inaalalayan ni Ch. BBM si Mayor Honey nang personal na namahagi ito ng financial assistance na nagkakahalaga ng P10,000 sa bawat pamilya na nasunugan sa Bgy. 400, Zone 41 na sakop ni P/B Felix Taguba. May 22 pamilya o 63 indibidwal ang nawalan ng tirahan na kainin ng apoy ang apat na palapag na gusaling tinitirhan ng mga ito.

Katuwang din si Ch. BBB sa pagkakaloob ng P3K sa bawat isang 4th at 5th year college student, pati na senior citizen na mahigit 1,000 ang binigyan ni Dist.4 Congressman Ernest Maceda at maybahay nitong si Dra. Gissele Maceda. Ang nasabing halaga ay mula sa pondo ng mahusay na Konggresista ng Sampaloc.



Sinangayunan din ni Ch. BBM ang mensahe ni Mayor Honey sa mga nasunugan nang sabihin nito na laging nakaalalay ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga biktima ng anumang trahedya at kalamidad upang upang makabangon itong muli.

Iminungkahi rin ni Ch. BBM na laging isasaisip ang payo ni Mayor Honey sa tuwing mayroong sunog na laging unahing iligtas ang sariling buhay, dahil ang mga bagay o kagamitan ay maaaring palitan pero hindi ang buhay. (ANDI GARCIA)